Ss gitna ng pahinterbyu ko ng madalian sa mga aplikanteng nakapila sa may labasan..
Bigla kong naramdaman ang pagikot na aking tinitingnan.
Tinapos ko agad ang usapan at ako'y lumayo sa kanilang kinaroroonan.
Natakot ako, bigla yata akong nahilo.
Umikot ang paligid, bumaligtad... At sadyang nagbago ang anyo ng mga tao sa harap ko.
.
Sa kabilang banda, ang mga tao ay abala pa din sa kanilang mga ginagawa.
Nagiging puno pa din ang mga iniisip nilang linya,
Sa dulo nito, uwian lang naman ang hanggad nila.
Ako, makapahinga sa damdaming unti unting lumalamon ng ligaya.
.
Ang pagkahilo ko ata ay dala ng sari saring, mumunting kaba na nagdidikit dikit sa aking dibdib,
Ang pagkahilo ko ata ay dala ng mga iilang beses na ako'y tumawa.
Ang pagkahilo ko ata ay dala ng mga gumagalaw na ugat sa aking puso,
Ang pagkahilo ko ata ay dala ng vertigo! Palibhasa, si inay ko, gumaganito!
No comments:
Post a Comment