Total Pageviews

Tuesday, August 16, 2011

Freak attack

Overtime na ako sa MRT, nakalagpas na ang tatlong train pero hindi pa din ako makapasok.. Sa hindi ko maintindihan kung saan galing ang mga taong nagsisiksikan. Hindi ko din maintindihan ko pano biglang lumobo ang mga tao dito. Ang normal koong alis ay dapat sampung minuto bago mag alas otso sa istasyon ay naging sampung minuto pagkatapos ng alas otso.. Wala na akong iisipin pa kundi ang mga gagawin ko sa tabaho.
.
Mainit. Ngunit malamig. May harang ang mga mata kong nasisilaw sa araw na hindi na nagawang magtago sa mga ulap. Isang kamay ang aking naramdaman na humawak sa aking braso.
Malagkit. Malamig. Mahigpit.
Di. Naiwasan na magpumiglas dahil sa hindi ko maintindihan ang takbo ng kanyang isipan. Nasa gitna ako ng kalsada nang siya ay lingunin ko... Biglang bumalik ang mga nakaraan... Dati ganito din ako! Nagwawala sa kawalan. Naghihintay ng pantawid sa tyan na kumakalam. Mabuti na pala ang lagay ko ngayon. Nakakasakay ng jeep at nakakapagbayad pa ako samantalang siya hinahabol dahil nanguto. Nakadamit pa ako na nilabhan gamit ang sabon at tubig samantalang siya, grasa, usok at putik ang ginamit ng mga damit niyang itim ata ng binili ito.
.
Mahuhuli na ako sa trabaho, hindi ko alam kung pano ako susuko.
Sa biglang pagandar ng sasakyan, naisip ko... Ano kaya ang kanyang naramdaman. .
.
Naawa ako, sana hindi siya nagkaganinto. Atake ng mapait na kahapon ang nagudyok sa mga pangyayari sa kanyang hinahon. Masasabi mo ba na wala akong kinalaman dito?
.
Ngayon, apektado ako! Malungkot ang araw ko!

No comments: