Bata pa ako lagi ko na silang nakikita,
Pinaglalaruan ng mga bata sa kalsada,
Nakatali at sila ay hila hila,
Nitong mga bata na kwelang kwela.
Kung mamasdan sila'y nakakaawa,
Sa malaking mundo ito sila ay di makawala,
Mga batang tuwang tuwa na sila ay paglaruan,
Kahit paslit, di nga naiintindihan.
Ngayong malaki na ako, naririnig ko na lang ang talangka,
Sila'y nakikita na hinahain sa mga piyesta,
Maging sa mga sikat, sila ang bida,
Oh talangka, natagpuan na kita.
Akala ko isang kasabihan lamang ang mabuhay,
Sa kabila ng mga tagumpay, may isang papatunay,
Pag ikaw daw ay bumagsak, may nagnakaw,
Itong si talangka, kaibigan niyang tunay.
Aha, nakita na kita...isa ka nga sa kanila,
Tanggalin mo ang maskara, ayun may tali ka,
Pagbuhol buhulin man ang istorya, kaw na ang bida,
Hala, walang hudsga, pero isa ka nga sa kanila.
Maikli lang ang buhay, bat di na lang pasiyahin,
Maging masaya sa kung ano man ang aabutin,
Magsikap na mapabuti ang syang gawain,
At di talangka ang gayahin.
Darating ka sa sandali na maiisip mo ito,
Pipilitin ka ng konsensiya mo,
Sa lahat ng sinira at nawasak mo,
Dahil nagpagamit ka kay talangka, nagmamayari na sayo.
O kaibigan, magisip ko muli,
Buhay talangka, wag ng paghariin,
Magbago ka na bago pa sapitin,
Ang kagat ni talangka, ikaw ang iipitin.
Buhay na si talangka!
No comments:
Post a Comment