Hinahatid ka ng mga hangin sa kung saan ito dadalhin,
Nagiging ugali mo na ang magpalipas ng oras sa gitna ng mga bituin,
Hinahanap mo lagi ang mga wika ng iyong sinisinta sa mga alon na nakikita,
Hirap man Huminga, ayun, may kakampi... Buntong hininga.
.
Sa mga mata mo nakikita ang mga suliranin na iyong kinakaharap,
Di man ito nakikita sa panlabas mo na pagpapanggap,
Sa utak mo tumatakbo ang mga pangarap na iyong laging binibigkas,
Hahamakin lahat maging kakampi lamang ang malakas.
.
Ayyon din ang gulong sa iyong kagustuhan,
Kung titingnan mo ng mabuti ang lahat ng nakasulong,
Wag kang magpabaya, mamahalin ka din ng mga santo,
Dudugo ang kanilang puso pag ikaw ay tumatakbo.
.
May araw ka din... May araw ka din... Bubukang liwayway.. Ang araw nga naman, nagbibiro kung minsan.
Di nagpapakita sa mga lumbay na pagasa.. Wag makakalimot, madami pa ang tatahaking bintana.
Ang mga pader na nakikita ng iyong mga mata ay isang parte lamang ng gilid ng kalsada.
No comments:
Post a Comment