Total Pageviews

Tuesday, August 23, 2011

Hangin Mula sa Bridgeway

Bihira ako makasigaw ng sobra...
Hindi ko pa nagagawa to sa ilang taon ko dito sa maynila,
Minsan nga parang gusto ko ng kumawala,
Pero pano, saan, siguradong may makakakita.

Tulungan sana ako na maging matatag,
Nitong si hangin sa bridgeway kumagat,
Di man kita mahanap, pero tiyak na kakalat,
Ang silbi mo sa akin, ngayon ko hinahanap.

Kanina, ako ay sumigaw,
Di pa nga lang todo pero gusto ko na ibigay,
Kasama ko lamang mga kaibigang tunay,
Nahiya na din ako baka di na maging gabay.

Yun ang gusto ko...dito sa buhay,
Mailabas ang sama ng loob kahit walang kulay,
Di importante kung saan binuhay,
Mahalaga, naiintindihan ka ng iyong mga kaagapay.

O hangin sa bridgeway, lagi kitang maalala,
Lagi na kitang dadalawin sa tuwina,
Baka ibang tao di ka napapansin,
Pwes ako, gulat man, pasok ka sa akin.

Nakakatuwang malaman na sa bawat araw may natatagpuan,
Kahapon talangka ngayon naman ay kalikasan,
Sa dinami dami naman kasi ng daraanan,
Ayan tuloy sa bridgeway ko lang pala masasakatuparan.

Sigaw che! Sigaw che! Ilabas mo na yan,
Sigaw che, di ka maririnig ng bayan,
Sigaw che, mula sa puso mo ang laban,
Sigaw che, prinsesa ka ng kalikasan.

Hangin sa bridgeway, dadalawin ka sa tuwina...

No comments: