Sa pagsinta'y lalapit ang iyong kalooban,
Nagiging gsing lang sa iyong paghirang,
Minabuti ko na lamang na maging sandigan,
Ang pagsinta sa iyo'y hanap ng dinadamdam.
Pupuntahan ang puso na naging uhaw sa tingin,
Sasauluhin ang mga pagasa na dala ng iyong saloobin,
O giliw, pinsaya mo ang aking awitin,
Tatagalan ko... Sayo naman sumaliw.
Ang tingin mo'y nakakalula,
Sa iyong tinig ako ay nabubura,
Di ka man nakausap sa isang taon,
Sulit naman ang iyong panahon.
Bawat kislap ng iyong mata,
Bawat Pintig ng puso mong masaya,
Nakangiti ka pala lagi,
Wala na akong magagawa, ako na ang yong biktima.
Wahhh... Ang bait mong kasama,
Magiliw, maalalahanin, at higit sa lahat nambobola din,
Hala... Nakukuha ko na ang yong mga tingin,
Huli kita.. Minsan nakatitig ka... Tunaw ako ng taimtim.
Salamat sa iyong inspirasyon,
Salamat na din sa iyong tulong...
Wahhh... Ang arte ko, ngayon lang ako nahisip ng ganito!
No comments:
Post a Comment