Total Pageviews

Monday, August 29, 2011

Kapeng Mapait, Kaning Mainit

Sa dalas kong marinig to nung bata pa ako,
Inangking kong maigi ang ang bawat kataga ng linyang ito,
Pagaasawa ay di kaning mainit,
Isusubo chaka iluluwa sa bibig.

Nagulat ako sa mga naglalabasang balita,
Si ganito nagasawa na, siya buntis na,
Ako, tahimik na nangungulila,
Walang iniisip kundi pano magiging masaya.

Mahilig ako sa kapeng mainit,
Adik nga ako sa mapait dahil ito ay malupit,
Pero kinumpara ito sa aking pagaasawa,
Di daw kape lang ang mapait.

Ang bilis para sa iba ang mga ganitong bagay,
Parang ang bilis nilang nalaman ang kaagapay,
Hindi ko matancha pero magulo ang nararating,
Ng aking utak pag ito na ang pinapraning.

Sa libo libong pagkakataon na ako ay nagisip,
Di ko talga makuha kung pano nila ito nakipkip,
Ang pagaasawa ba ay sadyang may silip,
Sa bukas na hatid, puede ko din bang maisip.

Kapeng mapait, bat sayo pa ito naitulad,
Ayan tuloy pati pag inom ko ng kape sadyang makupad,
Gusto kong malaman kung ano ang dahilan,
Para itong paksa ay aking madaanan.

Kaning mainit, sayo lamang ang sarap,
Sa ngayon mananahimik sa iyong harap,
Pagkat ang pagaasawa, tama man o mali sila,
Di lang kaning mainit na puedeng idura.

May nakapagsabi pala sakin,
Ito'y kanyang di iisipin,
Sa kadahilanang ito ay sadyang darating,
Tama naman, kung ikaw ay may matalas na damdamin.

Kapeng mapait, kaning mainit...
Ieenjoy muna kita...

No comments: