Total Pageviews

Tuesday, November 14, 2017

Naguumapaw si Ligaya

May mga ilang taon din ung naisip kong sayang.... sayang bakit ko binuhos lahat ng panahon ko sa mga bagay na alam ko naman sa simula pa lang wala ng pupuntahan.
.
Pero tatlong pisong sagot ang nahalungkat ko sa aking alaala. Yun yung mga panahong nagsimula akong gawing maligaya na lang si Ligaya. 
.
Akala ko noon un na ang masaya. Akala ko noon yun na ang ligaya. Mas may sasapaw pa pala. 
.
Simula ito nang nakilala ko ang dahilan ng mga ngiti sa labi ko. Naghintay. Naghintay. Naghintay at nagmahal. Di man ako naniwala pero eto na, nagmamahal na nga.
.
May mga taong di natuwa. Meron din nagkibit balikat na lang. Meron ding nawalan na lang na gana. Pero sa huli ang importante masaya si ligaya. 
.
Huli ko man naramdaman ung paguumapaw na ganito, masaya pa din akong ikwento na ang paghihintay sa pinakamamahal mo pala ay di matutumbasan na lahit anong kwento ng nakaraan. Lagi ko lang nasasabi.... naguumapaw si ligaya. 
.
Yung mga nasaktan dahil kay ligaya pasensya na muna darating din yung ligaya na naguumapaw jan sa harap ng pintuan niyo. Pupunuin yung puso mo ng saya. Lalambingin ang braso mo. Hahalikan ang noo mo. Mamahalin ka ng buong pagkatao. Magsisimula ulit ang bagong kwento ng naguumapaw na ligaya sa buhay mo. 
.
Masaya na naman si Ligaya. 

No comments: