Mike Villegas
Hindi kita kilala, ni hindi ko alam ang hitsura mo,
Pero bakit parang awit mo ay syang laman ng puso ko.
Tumatagos, umiikot, gumagalaw...
Pinagdugtong dugtong na kwento ng buhay na ilaw.
.
Sa sinulat mong Hanggang Ngayon na inawit ni Cathy Go,
Lupit. Mga limangpung ulit ko munang inulit sa tenga ko.
Sa mga oras na to, paulit ulit na sa utak ko,
Ang awit na yun, ayaw ng pakawalan ng puso.
.
Ngayon ko naintindihan, hindi lang ako ang nakakaramdam na walang kwenta,
Marami din jan na hinahanap ang kwela.
Dahil sa paghihintay sa iniibig,
Luha ko'y di na tumitigil, umaagos hanggang bisig.
.
Sa totoo lang, napakagaling niyo pong manunulat,
Inaartehan, pinag-gugugulan ng musika at letra.
Darating ang araw, aawitin din ng artista ang aking kanta,
Karugtong ng Hanggang Ngayon mong nota.
.
Sa ngayon... Ikaw ay napapanahon,
Sa ngayon... Ako muna ang aatras.
Magmamahal muna ako... Kahit nasasaktan.
Para awitin ko ay matuloy.
.
Master Mike, salamat po talaga,
Inspirasyon po kita sa mga sulat kong walang musika.
Gagawin ko yan, pagdating nga panahon.
Pag may oras na ang pagibig ko na umahon.
No comments:
Post a Comment