Total Pageviews

Sunday, September 11, 2011

Di Makatulog Sa Loob Ng Tent

Ang madaling araw na nawala ang antok sa hampas ng mga alon,
Ang madaling araw na nagising dahil ikaw ang biglang pumasok sa isip,
Ang madaling araw na naalog ang utak dahil sa kakatungo sayo,
Ang madaling araw na ayaw ng dalawin ng antok dahil sa lagnat ko

Pinagbigyan ako ang langit sa aking hiling,
Ngunit ako naman ay may gasgas sa tuhod na di pa gumagaling,
Ang hamog na bumalot sa aking kaisipan,
Ang syang babaunin sa buong magdamag na ikaw ang mapanaginipan.


Ang umagang ito ay hatid na mga maluwalhating galaw,
Sa harap ng karagatan nagsisilbing ilaw,
Ang mga galaw mo ay sadyang binibiliang,
Di ko nga lang maaalala ang lahat, ngunit mananatili ito sa ilang.

Aking panghahawakan ang iyong sinabi,
...malugod ko ng tatanggapin ang pagsintang hinabilin.

Mahal kita, naalala kita.

No comments: