Mamya nga pala yung gala namin mga hurado,
Kasama ko ang mga laging napapagalitang tao,
Kami ang mga hindi mababayarang napapagalitan,
Ang araw namin ay puno ng mga ganitong areglo.
Kelangan namin ng inspiasyon,
Kelangan namin ng punto,
Sa lugar na kung saan kami ay nagpapawis,
Dito rin namin binubuhos ang aming bagwis.
Sana matutunan ng iba na ang gawain namin ay di madali,
Kala niyo ba puro salita lang na nangangati?
Walang sandaling hindi ito at sumagi,
Sa aming isipan, balot pati panaginip ng sumaksi.
Ang sensitibo ng aming trabaho,
Bawat kilos may tanging kulo,
Sa loob ng rehas kami lagi ang talo,
Kikilos kami kahit wala ng dugo.
Ipagtatanggol namin ang aming mga sarili,
Sa gitna ng mga naglalakarang bitbit ang tampipi,
Aalipinin namin ang mga sandaling kami ang hari,
Sa aming kalooban, hahamunin ang puri.
Handa na ba ako sa ganitong laban?
Handa na ba ako sa masalimuot na tukudan,
Mga ibig mong ipaliwanag na salita ibibigkas,
Mga makatwirang palabas, ipapamalas.
Redi dapat aku!
No comments:
Post a Comment