Parang kahapon lang, bente singko ako,
Ngayon malapit ng lumipat edad ko,
Parang kahapon lang, may regalo pa akong natanggap,
Ngayon wala na akong aasahang malalanghap.
Ang ika bente singko ko ang siyang tatatak,
Sa aking isipan, mdaming luha ang ipinatak,
Dati malakas ako sa gitna ng suliranin,
Ngayon, bumibigay ako di na kaya ng aking damdamin.
Siguro nga nagsawa na din sa kakatanggap,
Ngayon, pinapakawalan na ang tunay na tatak,
Hihiramin ang lakas sa kung sino ang lumalang,
Gigitna sa bawat hamon ng di kumakalam.
Bente sais, malapit ka na...
Anong regalo ang handog sa prinsesa,
Sana bulaklak na puti na may pula,
Sana mula sa kanya na syang nakakaligaya.
Hihilingin ko sa aking dasal na sana masaya,
Ang aking bente sais, tuwang tuwa ang madarama,
O anong saya pag kaw ang nakasama,
Sino ka nga ulit, puede ba ikaw ay magpakilala?
Wahhh... Bente sais! May gusto sana akong makuha...
No comments:
Post a Comment