Ang madalas na pagpunta ko sa moa ay siyang naging alipin,
Ng mga takbo ng isip bago man lang ako umuwi sa amin,
Dito sa tapat ng mga bandila ako sumisilip,
Upang di masyadong matanaw ng mga taong umiihip.
Ngunit ang aking mga naaalala,
Mga taong sadyang naging parte ng buhay sigla,
Minsan ko na silang naisama dito sa moa,
Bihira nga lang umuulan pa.
Bati kami ng ulan kaya siya lamang ay nakisama,
Si eph, nabasa nung kaarawan niya pa.
Pinatapos ang ulan bago sinugod ang baha,
Makarating lang sa kapihan sa dulo ng moa.
Sa payong ko sumukob itong isang bagong kaibigan,
Si jerome kahit may nararamdaman, di kinabahan,
Pasensiya ka na, mahaba lang talaga ang lakaran,
Yaan mo sa uulitin, takbuhan naman ang laban.
Sa dalas ko sa moa, sanay na ako sa oras,
Pagdating ko ng bahay, blog ko na ang inaatupag,
Ngayon kahit walang ulan, sila ay naalala,
Dito sa sulat, makabawi man lang sana.
Salamat kaibigan may kwento ako sa huli,
Kahit maulan ang pagkikita, di kayo nagatubili,
Sanay na akong maulanan sa moa kahit na magisa,
Pero mas sasaya sana kung kayo ay kasama.
Ang saya! Naalala ko ang mga kwela.
No comments:
Post a Comment