Sa dinami dami ng mga pangyayari sa buhay,
Iilan lang ang may mga kahulugang tinaglay,
Minsan huli mo na ngang malalaman,
Dulo pala noon ay makulay.
Hiwaga ng mga dahilan ay nakakatuwa,
Minsan ang sabi sabi ay nagiging katotohanan pa,
Sa kabila ng mga salita at dahilan ng iba,
Ikaw etong tatanggi pero totoo naman pala
Mga pintasero't pintasera sayo ang bola,
Nakasalamin ka, talikod at wala ng hula,
Inaalam mo pa ang dulo ng usapan,
Di mo naman inaalam ang kasaysayang inugat.
Kaw ba'y may bunga, ubas ba o tinik,
Sa kailaliman ng puno mo, taglay mo ay putik,
Wala ka ng masabi dahil kaw ay binulag,
Sa katotohanan, sa kabutihan, sa kapwa mo sana ay tinulad.
Natutunan kong maging kalmado,
Sa lahat ng salita na binitawan mo,
Ihahayagpa din ang tunay na ako,
Sa harap ng tao maging ikaw man ay matalo.
Pintasero't pintasera... Asan ang bunga mo?
Tingin ka muna sa iyong anyo,
Baka sa kakasita mo, madumi ang iyong baro,
Tatawanan ka ng madla pati ng mga kuto.
Manahimik! Isang salita na umpisa ng pagiisip,
Manahimik! Bibig mo'y ikubli sa loob ng iyong baru nang walang madumi,
Manahimik! Pasensiya na, hindi ka na nakakbuti,
Hanapin mo ang yong prutas at ikaw ay kumubli.
Prutas mo, asan?
No comments:
Post a Comment