Total Pageviews

Thursday, August 25, 2011

Mama-halin Ka Ba?

Ang mundo ay sukatan kung hanggang saan ang lakas ng tao,
Sa mundo malalaman kung anong klaseng pagasenso ang magagawa mo,
Ang mundo na bilog, bihira lang ang nakakaikot dito,
Sa senyas ng guro, hanapin mo ang bansa mo...

Mura lang bili ko sa bag ko, dito sa mundo,
Mura lang din ang pagkain na niluluto dito,
Ang mabuhay na may lakas at pwersa ang syang panalo,
Sa huli, mama-halin ka ba dito sa lugar mo?

Bente, singkwenta, diyes, ano ba presyo ko?
Sang dangkal na pagmamahal, di ka pa mabiro,
Anong pagmamalupit ang gagawin mo,
Mabili ka lang sa binigay mong presyo.

Minsan maging matalino ka sa pagdiskarte,
Di lahat dito sa mundo e puedeng iarte,
Mamaliitin ka ng mga taong mura lang din ang singil,
Sa bawat ngiti, may durog pang butil.

Mama-halin ka ba?
Tanong ko din sa aking sarili,
Mama-halin ka ba?
Presyong langit ang nakapisi.

May halaga ka,
May katumbas ka,
Ngunit, presyo mo, walang nakakaalintana,
Dahil sa mahal mo, Diyos lang ang may akda.

Mama-halin ka ba?
Itanong mo muna sa iyong sarili,
Mama-halin ka ba?
Itatak mo sa iong dibdib.

Ikaw ay sagisag ng pagmamahal ng Diyos Ama,
Sa hangin di ka niya basta mabubura,
Pagibig niya, di niya sinukat,
Para ikaw lang ay mabuhay na higit pa sa iyong panukat.

Mama-halin ka ba?
Ibaon mo sa iyong utak,
Oo! Ako ay may halaga, kaya mama-halin ka ba?
Mama-halin, mamahalin. Mahal.

No comments: