Total Pageviews

Monday, August 29, 2011

Likas Sa Tao Ang Matatakutin (episode)

Ang mga tinig... Ang mga kaluskos..
Ang mga silip... Ang mga puspos..
Ang mga sitsit... Ang mga anino...
Lahat ng ito, tinakot ang sarili ko.

Likas sa akin ang pagiging matakutin,
Kahit sa simpleng dilim, tiyak ako ay iipitin,
Hinahagilap ko palagi ang aking kumot sa tuwing matutulog,
Baka sakali may makita ako sa isang sulok.

Mabilis kumabog ang aking dibdib, talo pa ang pagibig na umakit sa akin,
Sa huling pintig, para aako ay may pagsusulit,
Ang pagiging matakutin ko ay pinilit na mawaglit,
Ngunit kagabi, bumalik lahat ng pait.

Alam kong may lumabas sa aming bakuran na lalaki,
Dala niya ay motor na parang walang pasubali,
Di ko pansin pagkat ako ay isang bulilit,
Sa paghahanda ko, siya ay aking sinilip.

Ngunit sa aking nararamdaman,
Bigla akong sinukuban,
Biglang siyang tumigil sa aking bintana,
Na ako ako'y biglang napahiga.

Sa takot ko, dibdib ko'y kumabog,
Ika ba ay mama sa kapitbahay o isang magnanakaw ng aso,
Hala... Kinabahan ako at biglang natakot,
Ayoko ng ganitong pakiramdam, sobra akong sinaplot.

Nagtatapang tapangan lang naman ako,
Sa lahat ng hamon na tinungo,
Di mo mawawala sa akin na minsan ako ay yuyuko,
Lahat tayo, di ka man umamin ay mayroong kinukubkob.

Umamin ka din, kaw din naman ay natakot.

No comments: