Total Pageviews

Thursday, August 18, 2011

Tatakas ako!

Ang gabi sa akin ay nagsisilbing pangitain ng mga pangyayari ng maghapon,
Ito din ang oras na parang sana gabi ay di umahon,
Punong puno ako ng mga hinanakit,
Pambihira, kelangan matapos na itong hapdi.

Dumidikit ang kamay ko sa mga unang pinagpatong patong,
Ayaw ng maalis, ayaw ng kumilos,
Ayaw ng kumibo, ayaw ng humaplos,
Buo na ang loob ko, inaantok na ako.

Gusto ko ng tumakas sa mga sitwasyon,
Lumalabas kasi na parang hindi talaga ako marunong,
Pay may bago ba hindi din kaya susuko?
Sa mga suliranin na may malaking ugat na ihuhugot.

Galingan niyo pa, onte pa,
Damihan niyo ang kwarta,
Lalapit sila, at maghihintay,
Sa buenas na sana sila din ay makaratay.

Pero ang sulat na ito ay para ako ay makatakas,
Sa mga anino ng kasalukuyan bitbit ay kahapon,
Hindi ko na uulitin at itoy magwawakas,
Sa nobelang ito, ilalabas ng buo.

Tatakas ako, isang beses...
Ssshhh... Wag maingay, gagapang ako para makatakas...


No comments: