Pinipilit kong samahan ang aking pakiramdam,
Sa bawat lakad nito, dumadampi ang bigat nga kumakalam,
Ang binti ko'y namimitig at bigla ikaw ang pumasok sa aking isip,
Mga mukha mo'y hinagilap sa aking sisidlan at tinakip at biglang sumiksik.
Nakakaiyak ang araw na mapupuno lang ng mga katanungan,
Hindi niyo man ako mabilhan ng saya, tiyak na may kalaliman,
Iniisip niyo bang ako ay natutuwa pa,
Sa lahat ng ito, lumalakas ng ang kalooban na gawa ni Bathala.
Dumadami na ang aking dalahin sa buhay,
Pati mga iniisip niyo akin ng napagtagumpayan,
Sa buhay... Iyong buhay... Walang kinalaman dito ang aking pagkatao,
Wag niyo akong husgahan ang di niyo natanto.
Mga nagrerebeldeng dugo sa aking katawan,
Hayan na at gusto ng maghimagsik sa kalaban,
Naghahanap ng halaga ang mga kamay ko sa lamesa,
Pati ang bolpen ko ay di na ako kilala.
Nangangatog ang aking katawan nang di niyo batid,
Kumukulo ang aking ulo nang di niyo man lang naiisip,
Wag niyo akong husgahan, di niyo pa ito alam,
Lahat ng ito ay larawan lamang na ikaw, ako, ay may kinalaman.
Mabuhay ang huwebes, akin ka!
Darating din ang araw na iyon...
Wag ka magmadali, kaibigan... Kaw ang susunod ko...
No comments:
Post a Comment