Total Pageviews

Saturday, August 27, 2011

Nararamdaman Mo Din Ba Ito?

Marami ng kanta ang napauso ng dekada,
Marami na din ang kanta na kulang pa ang luha sa saya,
Mga tula din na biglang nagbago ng sistema,
Tinula ng iba, binigkas ko, gawa ng kasysayan, isa ang pinanggalingan.

Ang mga pakiramdam na ito ang siyang nagbabago,
Sa king sistema, talagang nakakahilo,
Mantakin mong hindi kita kayang abutin,
Ngunit pinipilit kong ngiti mo man lang ay kamtin.

Isang liham ang kaytagal na itinago,
Nakalimutan ko na nga ang mag salitang nilagay dito,
Sa murang edad ako ay nagkamulat,
Hinangaan ka na, sa taglay mong sukat.

Ang pabango mong hiram sa iyong kamusmusan,
Di ko makalimutan ngayon at kailanman,
Kung meron man nagiisang laging hahangaan,
Kaw yun, sinta... Lagi sanang tandaan.

Hanggang dun lang naman ang kayang ibigay,
Ng pusong kamay mo lang ang siyang sasandalan,
Di naman kita hanggad, alam ko na,
Msaya lang ako pag kalakip ko ang iyong palad.

Ayoko makaabot sa pagmamahal ito,
Tiyak kong di din mapapansin ng iyok pilik mata,
Sa dulo ng mga bundok halina ang iyong kumot,
Ginugusto kong maabot, yang perlas mong sinusuksok.

Parehas ba tayo ng nararamdaman,
O sadyang magaling ka lang talgaga na itago ang kalokohan,
Nararmdaman mo din ba itong aking inaasam,
O anong ligay, ngayon mo na ipaalam.

Natatakot ako na baka ako ay iyong iwan...
Nararamdaman mo din ba ito?


No comments: