Malimit sabihin ni ina magenta na ioagdasal ko daw ang mamahalin,
Para ang Maykapal daw ang siyang pipili,
Bata pa ako nang di ko namamalayan,
Lagi pala ako ang namimili sa aking sasakyan.
Ang kabi kabilang saya na dulot nila,
Iba iba din ang pakiramdam na hatid na kaba,
Sa ngiti nasusukat ang simpleng tawa,
Haha.. Kahit isang tawa malalaman mo na.
Ang saya ay kailanman ay di nasusukat,
Maging pulubi man o mayaman, di kayang ilahad,
Ang dulot na saya ng mga tao sa kapaligiran,
Hindi ko naman inasam ngunit pinasinayaan.
Ang kwento ng aking pagibig ay simple lang,
Minahal ako, minahal ko, ngunit tumigil lamang,
Di sa ngayong panahon ang aking kaarawan,
Itong si pagibig, sumisimple lang.
Kwento ng aking mga naging kaibigan ay kakaiba,
Mayroong dalwang araw, mayroon din isa,
Ngunit lahat sila ay nagdulot ng saya,
Kahit lumipas na, sila pa din ay naaalala.
Sa bahay, itong si pipoy ang bagong ligaya,
Handong na bati niya langit ang nadarama,
Kahit pagod, ngalay at wala kang buhay,
Basta anjan si piooy, nawawala ang lumbay.
Ang aking trabaho ay dyang naiiba,
Ako lamang ang maghahanap ng saya,
Ginagawa kong baliw ang bawat umaga,
Upang malimutan ang lahat ng problema.
Iba't ibang saya... Iba't ibang nadarama...
Ikaw? Magkwento ka.
No comments:
Post a Comment