Bawat arte ay may katumbas na piso,
Sa likod ng tilon pansin ang hugis nito,
Ang maliliwanag na ilaw ang siyang kukulong,
Sa mga mukha ng artista na waring di sumusulong.
Sa ganda ng mga kutis walang pagaalinlangan,
Alaga ng maykapal pati na ng may kinalaman,
Sa mga kasuotan at mga kolorete,
Titimbangin ang galing ng talino at pagarte.
O kay sarap siguro ng buhay na mayroon sila,
Lahat ng panagarap ay maabot nila,
Onteng iyak, tawa at unwaring kaluskos,
Piso agad ang tustos sa isang kilos.
Ngunit pano pag may tumabla sa kanyang galing,
Mga bagong pasok ang syang paghahariin,
Mababalewala na ba ang pagod at galing,
Kung sa huli naman ay iba ang pipiliin?
Parang ganito lang iyan,
Kaw ang matalik na kaibigan na laging andyan,
Ngunit iba ang kayang hanggad at kelangan,
Sa isang iglap nawala na siyang tuluyan.
Isang hitsura ng naluging artista,
Piso lang ang katumbas pero dugo't pawis ang kinatas,
Nagmumukmok sa likod ng bus, nangangatog, nakakalas,
Ang mga luha, mapapawi na lamang ng kusa.
May araw lamang ang pagaartista,
Minsan dadatnan ka ng kasabihang laos ka na,
Walang pinipili kung kelan ang paghuhusga,
Basta, artisa, maging handa ka lang sana.
Isang pagkakaibigan na nauwi sa hiwalayan,
Iba ang kelangan ngunit iba din ang katwiran,
Wag ka ng lalapit baka pareho pang masaktan,
Tumawag ka na lang kung kinakailangan.
Di ka naman iiwan...
Lugi lang ang kabuhayan...
Di ka naman iiwan...
Ano pa't ako ay iyong kaibigan.
No comments:
Post a Comment