Excited Akong
Makasama Ka Sa Profile Picture Ko
Alam mo ba na hinahanap kita?
Maski sa telepono ko naka –tag favorites ka.
Alam mo bang lagi kitang nakikita?
Lahat ng bagay sa paligid ko, ikaw ang bida.
Sa tuwing nalulungkot ako, babawi palagi itong aking puso.
Minsan na kitang binura sa aking sistema,
Pero ayan pa din.. pabalik balik ang kilig na dating mo.
Kinikilig… napapangiti… tinamaan nga ang pusong ko sa iyo.
Alam kong di puedeng pumagasa sayo,
Malalim ang dahilan mo, di ko maintindihan sa dulo,
Iniisip ko na lang, ayaw mo sa akin para ako ay mawala na
lang,
Pero heto’t nangangarap, minsan sana makatabi ka ulit sa
iisang unan.
Excited ako… sobra.
Sa iyong mukha, sana ay makita,
Ang iyong sinabi… gusto mo din ako…
Asan na ngayon ito?
Pag dumating iyon, hanep ang palakpak,
Excited akong Makita ang larawan natin sa profile picture
ko,
Kahit dumugin ako ng mga taga hanga mo,
Ako naman ang pinili mo.
Excited ako!
No comments:
Post a Comment