Total Pageviews

Tuesday, August 30, 2011

Hays... Kool (para sainyo to)

May mga tao lamang na nagkaron ng parte sa aking buhay,
Ang buhay hayskul, naging masaya dahil sa makulay,
Sa mga taong naging kasama, kabati, at maging abay,
Mabuhay kayo... Di ko kayo nakalimutang tunay.

Efelyn Barcelo, presensiya mo di nagbago,
Sa lahat ng luha ko, alam mo, dama mo,
Ang pagkakaibigan natin di nagbabago,
Kaw pa din ang totoo at sadyang maganda sa paningin ko.

Carmen Burton, dahil sa iyong mga pangasar,
Natuto na din akong lumaban ng harapan,
Kahit lagi mo akong pinaiiyak,
Sayo ako humugot ng lakas sa lahat ng gayak.

Joey Hicom, ang kamay mong pawisan ang aking naalala,
Tuwing hahawak ka sa kamay ko, lagi kang nakatawa,
Pero ang pagiging kaibigan mo sakin naging pagasa,
Ikaw ang nagpaalala, lalaki ka din pala.

Aaron Tegelan, alam mong ginusto kita noon,
Di ko lang talaga alam kung ano yun,
Naging inspirasyon ka sa aking pagsayaw sa entablado,
Naging kasama ko sa bawat pagtawa ko.

Marivic Lusande, ang simpleng ikaw ang naging batayan,
Buhay sa mundo kelangan lang marangal,
Naging saksi ka sa mga luha ko,
Sinuklian mo ng pagasa at walang pagtatampo.

Jerome Perez, kasama ka sa mga di makakalimutan,
Ang pabango ang naging aking batayan,
Humanag sa iyong pagkatao ang aking naramdaman,
Siguro hanggang ngayon, dama ko ang iyong galaw.

Henry Formento, sa dala mong sulat ako ay napako,
Natuwa ako sa pagkakasulat ng iyong puso,
Kahit alam kong biro lang yun, binigkas mo,
Hayaan mo, tinuring din naman kitang kaibigan ko.

Karl Hufancia, pano kita makakalimutan,
Kaw ata ang una kong sinabihan,
Nagmahal, nasaktan... Pero walang mkaparis ang yong kabaitan,
Tahimik ka lang, pero mabuti ang yong kalooban.

Annabelle Nace, kaw ang naging batayan,
Ng aking mga huhugasang pinggan,
Dahil sa mga kamping, natuto akong hugasan,
Ang baso pala, may sabon pang natitira pag di nabanlawan.

Ang buhay hays...kool kung titingnan,
Madaming saya, lungkot din ang katabla,
Pero dahil sa mga taong ito, lahat nagiba,
Hays...kool... Walang tabla ang iyong saya!!!

Salamat sa mga taong nabanggit...
Madami pa kayo, pero inuna ko na ang mga honor-roll sa aking puso.
Mabuhay!!! Sana nagustuhan niyo.

No comments: