Ang pagibig ay sadyang ganyan, tiwala sa isa't isa'y kailangan...
Isang kanta na sa uulit ulitin, nakakasawa ng madama,
Pero eto ang aking binubuga, sa isip ko ay di ka mawala,
Ginusto kang makasama, pero iilang ilang ka pa.
Nahuhumaling sa iyong mata,
Bawat tingin mo, hinuhuli ang aking kaba,
Mangyari lamang na ako ay dalawin,
Na iyong tinig, sabi ko naman di ako bibitw.
Ikapitong buwan ko ngayon na walang sinisinta,
Nagiisip nga ako na kung ako'y tatagal pa,
Nagmamaktol ang puso ko, gusto kong umibig pero may rehas sa puso,
Sayo pumuounta pero alam kong itatanggi mo.
Ginusto na kita, yan ang sigaw ko,
Ginusto ka ng utak ko dahil ikaw ay di lang nagpapasaya,
Linuhuran kita, nakalimutan pero muling naibalik,
Ang pagsinta sayo, ayokong ipilit.
Ang sistema ako ay maghihintay,
Sa salita mo na di ka mawawalay,
Ipagsisigawan mo ba na ako iyong mahal?
Ihaharap sa dambana at sa lupon.
Ginusto kita dahil ikaw ang pinangarap,
Ng aking isipan at puso na ni sa panaginijp di ka nasilayan,
Ang aking dasal maginoo na syang magmamahal,
Sa aking pagkatao at aking nararamdaman.
Mamahalin kita, yan ang sinabi,
Ng mga nagmamahalan mula pa noong isang gabi,
Sa linya ng iyong palad, ako nakasabit,
Pangalan ko nakasulat sa iyong guhit.
Gugustuhin ko sana na kamay mo ay lagi sa akin ang hawak...
Hihintayin kita...
No comments:
Post a Comment