Ang handong na sandata'y handa na
Sa ganitong laban,dugo't pawis ang pantabla,
Pinalakas ng panahon, pinatibay ng kaba,
Ang apat na taon, humusga ng alipusta.
Hinahanap ko ang silbi ng pagkatao,
Di na din ako pansin ng mga tao,
Sa ngayon ko nararamdaman ang di kelangan,
Pag ako ang lumayo, sisigla na ba ang bayan?
Ang pagtulo ng mgs luha ay mula sa damdamin,
Damdaming hinubog ngtaon at mga habilin,
Hinilamos ko ang mga sakit na sa harap ko ginaganti,
Hirap man ako bumangon, pinilit na mapabuti.
Wala kayong alam sa mga nasaksihan ko,
Ang bawat saya, luha at tawa ay tagos sa buto ko,
Di ko na hihingin na maging panalo,
Sa ganitong laban, kung sino ang talo syang magbababa ng ulo.
Mga tao na dumadaan sa aking kinauupuan,
Nagiba iba na ng mukha sa pinalipas na nakaraan,
Yung iba nsa kabilang bayan at namamasukan,
Ngunit ako ay sadyang namahala sa aking kinatatayuan.
Ang mga araw na darating ay walang sing hirap,
Ang paglayo sa mga tao ay sadyang nakakasinghap,
Sa uulitin magiging matatag,
Wag niyo na lang muna akong kausapin sa gitna ng pagkaskas.
Pinaghirapan ko to, ito ang salita mula sa loob ko,
Wag mo sa akin kunin ang hindi naman sayo,
Magnanakaw! Pakulo mo ba to?
Dugo't pawis ko ang inalay dito.
Dugo't pawis...
Dugo't pawis...
... Magnanakaw!
No comments:
Post a Comment