Total Pageviews

Sunday, September 4, 2011

Sa Angat Bulacan... Sa Ilog na Pangarap

Ito ang sinasabi kong pangarap,
Ang magsilbing dahon sa langit para mag paagos,
Ito ang sinasabi kong ilog,
Ang ilog na puno ng pagasa't pangarap.

Dito ko iiwan ang aking sarili,
Dito ko iiwan ang aking kaisipan,
Pinipilit kong maging masaya sa tuktok ng aking puso,
Halata ko naman na matatapos na din ang ganitong yugto.

Ang mga batong nakaikot sa ilog ang siyang nagpaganda,
Sa mga hilig kong ganito parang ayoko ng umandar pa.

Maya babalikan kita.

Ang mga kasama ko:
Jerome Perez
Jamel Besid
Yanny Celestino
Jeymar Juan
Tin Soriano

Bawat minuto ay masaya,
Sa sigla ng mga agos ng tubig, hahango ang lungkot na nadarama,
Bibigkasin pangalan mo sa tuwina,
Hahanapin ang galaw ng iyong muka sa aking mga mata.

Sarap mong kasama,
Kahit pilit, alam kong natutuwa ka,
Gulatan na lamang... Mabighani ka na lang.
Ako ay isang dayuhan, sa lugar na iyan, na iyong sinasaklawan.

Ginagawa ko ito habang nakatingin sa kawalan,
Dito sa bulacan... Dito sa tabi ng ilog ko naramdaman,
Ang tihimik na ganti ng kalikasan,
Ang tahimik mong salita na di man lang nagkakulay sa kaluwagan.

Dito sa tabi ng ilog, dito sa silong ng mga pinagkabit kabit,
Wag kang lilingon sa kung saan, baka iba ang iyong maramdaman,
Basta kelangan sa tuwina, hampas ng sulog lang ang idamdam,
Tawid ng tubig na umuuhaw sa lalamunan.

Nakakatuwang pakiramdam..
Nakakatuwang pangarap.

Sana maulit ka ng madaming beses.

No comments: