Total Pageviews

Friday, August 19, 2011

Sana Tumawag Ka

Ang tagal... Ang tagal...
Nalanta na ang dahon sa aking harapan,
Naubos na din ang kandila sa aking kainan,
Pati mga sopdrinks sa mesa ay inasam.

Ang tagal...
Namalat na ko sa kakahintay sa gitna ng mga bituin sa langit,
Nagulat na nga ang gwardiya dahil ako ay mapilit,
Bat ayaw mo kasi tumawag, che lang naman di mo pa masambit.

Ang tagal...
Sa mumunting upuan dito sa tapat ng bahay,
Pangalan mo ay aking ilalagay,
Baka sakali magkasalisi,
Pagdating mo makikita mo ikaw ay ngingiti.

Hala... Si che! Gumagala na naman.
Hindi utak lang nakakarating sa kung saan,
Tuwang tuwa ako dahil may katuparan,
Sa katapusan, gaganti ako sa hilagang kanluran!

Sana tumawag ka naman...

No comments: