Sandaling itutuon ko ang aking kaisipan sa isang mabuting kaibigan,
Di siya dayuhan sa sariling bayan,
Saliwa man sa aking kaisipan ang kanyang mga panaghoy,
Alam kong nakikinig siya at ako'y unti unting inaagoy.
Ang tatlumpong minutong kasama ka kaibigan,
Wagas ang nakikita na pagibig sa iyong kaibuturan,
Malalalim mong mata na sadyang nangungusap,
Alam kong eto ang kelangan mo, isang tunay na kausap.
Hindi man maibigay saiyo ang iyong kailangan,
Hahamakin ang ulan, makasulong lamang,
Ang oras na nilaan magiging paalala,
Na sana kaibigan, masaya ka kung anong meron ka.
Sa isang basing kape, isaw at tawa,
Sabay ng iyong magsayaw na isang nakakaligaya,
Mga tawa mo, panatilihin sana,
Maging ang iyong puso, maging maingat sana siya.
Alalahanin mo kaibigan, ikaw ay hindi dayuhan,
Isa kang kaibigan sa puso namin mahihimlay,
Dadalhin mo ang alaala ng kahapong pinasigla,
Kami din naman, nakatatak na sa isip ang iyong pigura.
Wag kang magalala, magiging maayos ang lahat,
Maging masaya lang sa iyong buhay na tinanggap ng tapat,
Eto lamang kami handang maging kasama,
Umulan umaraw, kahit sa gilid ng kalsada.
Salamat kaibigan sa 30 minutong pagsabay...
Sa uulitin, magbalitaan na lang.
2 comments:
hi followers nyu po ako hahahaha..
Salamat.
Post a Comment