Total Pageviews

Friday, September 9, 2011

Ikaw at Ako, Magtatagpo?

Ang magulong buhay pinapaikot ng mga naglalakihang alon,
Sa damdamin tumatagos ang bawat kirot ng kahapon,
Pinapatamis lamang ng mga simpleng ngiti na galing sa pagalok,
O anong sarap na makasama mo sa bawat paginog.

Dala ng bawat pagpugay ang iyong halakhak,
Sa lahat ng laro alam kong may pumapatak,
Madami kang napasayang tao, saya ang dulot,
Mga nagtittiliang miron, sa gilid nakikiudlot.

Ako man kung kilala na kita noon baka sakaling manlalaro,
Magiging inspirasyon ko ang bola maging ang pagtakbo,
Ngunit di hinayaan siguro dahil di kaya ng buto ko,
Magiging dayuhan na lamang, o giliw sa iyong puso.

Mali man ang dahilan, aabanteng may ngiti,
Baliktad man ang iyong iniisip o hindi,
Natutuwa pa din sa mga pangasar mong salita,
Maging pangalan ko apulitmulit sa tuwina.

Dalawang tema ang aking pinapatamaan,
Isang ako at isang ikaw ang dahilan,
Di man maintindihan ang gustong ipahiwatig,
Sayo pa din sasaya natutulog kong pagibig.

Aduduyyy... Wala na naman shempre.

No comments: