Sa pagtatapos ng araw, inakala kong katapusan na ng pangarap,
Ngunit ako'y nagkamali, nagkamali sa inakalang pangarap,
Pumatak ang ulan, at unti unting binasa ang aking katawan,
Sa pagsakay sa motorsiklong aking hinangaan.
Lubak, putik, semento, patag, bato, damo, kahoy na tulay
Mga daraanan patungo sa ilog na may gandang taglay,
Yan din ang dinaanan palabas, patungo sa pagwawakas ng isang araw,
Sanlibong tuwa, nang biglang bumuhos ang ulan na may kantyaw.
Bat pa kasi ngayon pa umulan, kung kelan pauwi na at hinahabol ang hininga,
Pero sabihin na nating naging biyaya pa ang lakas at buhos nito,
Dahil sobraNg galak ang dinulot nito.
Buhos ng ulan humampas sa mukha ko.
Malayo din pala ang biniyahe namin,
Matagal din pala ang nilakbay ng mga sasakyang kumakaway,
Sa gitna ng kalsada, kami ay nagpakawala ng buhay,
Sa gitna ng kawalan, kami ay nakipagsapalaran.
Nabaliw ako sa mga narinig kong salita,
Buhos! Pagibig! Piling! Wahhh... Nakakatuwa!
Binalot ako ng lamig, pero di alintana,
Dahil sa tabi ng aking kaisipan, Tunay na masaya!
Inulit ulit ko pa ang mga salita,
Inisip kong tingin lang ang aking mapapala,
Pero hinugot ng lakas ang iyong pagpansin,
Sa aking bulong, narinig mo din pala ang ihip ng hangin.
Kay layo, di ako makatakas,
Sinadya ba para ako ay makita ng bulag?
Siguro knga ganun ka magisip,
Baliktad... Gaya ng iyong nabanggit.
O hangin, kay sarap mong kasama,
Nababatid mo ang sayang nadama,
Dahil sa pagikot ng buhay, libro ko ay tunay na makulay,
Dahil sayo... Tumibok ang puso at biglang nagkabuhay!
Yun na oh! Ulan! Paborito talaga kita.
No comments:
Post a Comment