Total Pageviews

Wednesday, September 7, 2011

Tatlong Daang Tanggi

Ang paghahanap ng kasiyahan ay di basta matatangpuan,
Pagsalo sa kainan, pagtawa ng magkakaibigan, maging pagiinuman,
Sa ganito daw nila natatagpuan ang tunay na kaligayahan,
Isang pagtanggi, na alam kong may iabng katotohanan.

Nalaman ko na ang paginom ng sobra ng alak ay masama sa katawan,
Di ko na nga ito natikman, at walang balak na subukan,
Paghithit ng yosi ay sangkatutak na sakit ang makakamtam,
Usok pa nga lang, binuga ng baga ko, di ko kayang labanan.

Tanggi, tsnggi, hindi naman ito pag tanggi,
Isang pagiwas lang sa sakit na ayaw magkubli,
Wag na lang magalit pag hindi napagbigyan,
Di naman ako tututol kung kayo ay magdidiwang.

Ngunit isang paalaala ang aking bibitawan,
Katawan natin sa lupa ay iisa at wala shadong laban,
Sa mga sakit na nagkalat, di mo maiiwasan,
Nang dahil sa hithit at alak, lumalala ang karamdaman.

Ayokong maging kontra bida sa iyong kaligayahan,
Sa huli din naman tubig pa din ang iyong kailangan,
Sabi naman ang sobra ay di tama sa katawan,
Gamitin ng tama at hindi hanggang sukdulan.

Daang daang pagtanggi ang aking nasabi,
Di ako umiinom, nagyoyosi pahingi na lang ng iced tea,
Masaya naman akong umuuwi,
Sa bahay na lang at sa sulat iuuwi ang makulay na minimithi.

Tatlong daang tanggi...
Kahit limang libo pa...

No comments: