Total Pageviews

Sunday, September 11, 2011

Patungo Sa Paroroonan

Makailang ulit ko na ing ginawa na nagbyahe sa buwang ito,
Pero ito ang byaheng hindi ko kilala,
Sa tuwing may pupuntahan ako, alam ko ang daan patungo,
Ngunit ngayon ay iba, hindi ko alam kung saan, ano ang dulo.

Ang byaheng ito ang malungkot na masaya,
Hindi ko alam ang nararamdaman pero  parang may kulang,
Sa hindi ko maintindihan, ako ay naguguluhan,
Hahanapin ang kasagutan, mamya sa paroroonan.

Sa ngayon, natutuwa akong mga kasama ko ay maligaya,
Di man nila batid ang nadarama, sasaya ang byaheng ito,
Sa katotohanan, hindi ko lang siguro alam ang pupuntahan,
Pero may pakiramdam akong masaya, makulay ang byaheng ito kaibigan.

Salamat sa mga walang sawang tagasubaybay,
Ang sulat na ito ay ginagawa habang nasa daan patungo sa tulay,

No comments: