Hinangaan ko ang iyong tingin,
Sa mga mata mo ako ay nahumaling,
Bakit sadyang ang ikli lang ng pagkikita,
Di ko tuloy nasabi na masaya akong kasama ka.
Ikaw ang nagsabi na magiging madali lang ang lahat,
Kahit na itong nararamdaman at naibaon na at sa lupa ay nagkalat,
Lahat ng naramdaman ko ay pinaghalo na ng langit,
Hanep naman kasing pakiramdam ito, sayo ko pa biglang nadawit.
Sa huni ng mga ibon kahit di ko nakikita,
Pati sila nakikikanta sa bigla kong pagsaya,
Ang mga luha kong natamo noon,
Nabaliktad, dahil sobrang saya ang dulot ng iyong panahon.
Di ko man magawa ang kanta para sayo,
Alam kong aawit ang puso kahit ito ay tanungin mo.
Oo na, mahal na nga kita,
Sana naman naririnig mo ako sinta.
Bilib ako sayong natatanging dala,
Hindi mo pinapakawalan ang mabuting asal na sa akin ay iyong pinaalala,
Masayang pagiibigan ang aking susubaybayan,
Hindi mo ngayon, alam kong may panahon pagkakataong magmahalan.
Kwento ito na pagibig na gusto kong maramdaman,
Sa mga susunod na araw, sana yan ang maranasan,
Di ko naman pinangungunahan ang Maykapal,
Sa kanya pa din nagtitiwala at humihingi ng kulay.
---mamahalin ka.
No comments:
Post a Comment