Sa bulubundukin ng talisay, kami ay napadaan,
Sa mga putik at malalaking bato kami ay nakiagos,
Hatid ay kaba na baka mali ang pinaroroonan,
Sa dulo pala ay isang di masaklawang bayan ng batangas.
Di ko makita ang ginhawa,
Di ko makita ang karagatan,
Nagisip, sabay sakay sa kotse na parang aalis,
Wag na dito, may iba pang mas matamis.
Ang byaheng ito ay may pupuntahan,
Di makakapayag na ganito lang to matapos,
Ang susunod na sulat ay patungkol sa napuntahan,
Natapos, nakarating sa nasugbu, antok at may pinagdadaanan.
Eto na to.. Tara na! Naririnig ko na ang hapas ng alon,
Sa dalampasigan natigil ang pagtingin,
May buwan na nagpapahiwatig,
Sa langit na kumakahawig.
Nasugbu na! Gising mga tulog kong kaibigan!
No comments:
Post a Comment