Kay inam ng iyong mga gawa,
Lahat ng ito pinaramdam at pinakita sa aking mga mata,
O anong galing ng iyong mga kamay,
Sa isip mo ito hinubog, pinaikot, at sami'y gumabay.
O mapagpalang kamay ng Diyos,
Salamat sa lahat ng mga pangyayari sa aking buhay,
Dahil dito lalo ko itong mapapagtagumpayan,
Alam kong mahal niyo ako at di pababayaan.
Sa mga pagkukulang ko na di ko mapunuan,
Patawad po at di ko magawang bawiin,
Ito ay dala ng mga kawalan ng pagtitiwala sainyo,
Madalas nagsasariling sikap at di maalalang kayo ang aking Diyos.
Ngayon ay bantayan po sana aking pagbyahe,
Sa aking kasiyahan sana ay mamagitan,
Sa lahat ng lakad, kami ay patnubayan,
Nawa ang habag at kamay ay aming maramdaman.
Alam kong kasama kita...
Wag mo ang iiwan...
Salamat po, Diyos kong mapagpala,
Di mo ako pagsasawaan at ikaw ay laging sasama.
No comments:
Post a Comment