May mga sandaling ako ay natutulala,
Sa mga minutong ito, ako ay nawawala,
Wala namang lungkot akong dalahin,
Siguro, hindi lang sanay na ngiti ko'y hindi pansinin.
Gulat ako sa mga pinaramdam mo,
Kala ko totoo lahat ng nasa isip ko,
Pero aking iniisip ay sinusukat lamang,
Sa iyong pinapakita at balat kayong tapik na kulang.
Kumpleto ako ng kaibigan, kumpleto ng aawitan,
Pero kulang ang aking nararamdaman,
Kumpleto ako ng sandalan, kumpleto ako ng hahawakan,
Pero kulang ang aking masasandigan.
Di mo na kelangan pang ipagkait,
Di ko naman ito sayo hihingin,
Ang masabi mo lang na ako ay iyong iniibig,
Magdidiwang ang puso, kahit pagibig ay ipagkait.
Isang sabi mo lang naman kung ako ay iyong naiintindhan,
Tumitig sa akin at ako'y iyong iwasan,
Paalam mo lang sa akin kung ano ang laman ng puso,
Dudurugin ko ang pader na pinaghiwalay ng dugo.
(disclaimer)
Lahat ng nasusulat ay kinathang isip lamang,
Ang puso ng may akda ay sadyang siksik ngunit may kulang,
Sa mga sulat na ito naipapalabas,
Mga hinangad, inasam, naramdaman, napanaginipan at hinahanap sa bukas.
No comments:
Post a Comment