Total Pageviews

Friday, September 16, 2011

Wala Akong Maramdaman

Ang kulay itim na rosas... Di ako pinanganak para bumasa ng utak, Di ko din naisin na maihantulad, Sa lahat ng nasabi mo sakin ano ang sukat, Yaong pagibig mo hirap akong maungkat. Sa lahat ng ating paguusap may kakaiba akong natanggap, Magiliw ka pala talagang katabi kausap, Aber nga, magbiruan tayo sa kanilang harap, Baka iba isipin nila, matagal na ba tayong naguusap? Nakakatuwa kang ngang talaga, kaibigan kong suplado, Naniniwala na akong hirap kang mabasa sa kanto, Sa mga kilos, pananalita di mahuhuli sa akto, Ang iyong isip lumilipad sa malayo may ibang balak na tungo. Lupit! Kung may bughaw, itim ang rosas na nakikita ko, Sa isang tingin di kagandahan pero may dating ito, Di kita mababasa sa ngayon, pero tyak ang iyong hangarin, Ehem... May lihim ka bang pagtingin na di mo maamin? Itim na rosas, yan ang kulay... Ng iyong mga mata kayganda sa tuwina, Hanapin mo sa iyong mga kuha may pagkakahawig ka, Di maganda sa mata pero nakakahalina. Itim na rosas... Gusto na kita. Totoo na talaga.

Monday, September 12, 2011

Gudnyt kaagad?

Ang kulay itim na rosas... Di ako pinanganak para bumasa ng utak, Di ko din naisin na maihantulad, Sa lahat ng nasabi mo sakin ano ang sukat, Yaong pagibig mo hirap akong maungkat. Sa lahat ng ating paguusap may kakaiba akong natanggap, Magiliw ka pala talagang katabi kausap, Aber nga, magbiruan tayo sa kanilang harap, Baka iba isipin nila, matagal na ba tayong naguusap? Nakakatuwa kang ngang talaga, kaibigan kong suplado, Naniniwala na akong hirap kang mabasa sa kanto, Sa mga kilos, pananalita di mahuhuli sa akto, Ang iyong isip lumilipad sa malayo may ibang balak na tungo. Lupit! Kung may bughaw, itim ang rosas na nakikita ko, Sa isang tingin di kagandahan pero may dating ito, Di kita mababasa sa ngayon, pero tyak ang iyong hangarin, Ehem... May lihim ka bang pagtingin na di mo maamin? Itim na rosas, yan ang kulay... Ng iyong mga mata kayganda sa tuwina, Hanapin mo sa iyong mga kuha may pagkakahawig ka, Di maganda sa mata pero nakakahalina. Itim na rosas... Gusto na kita. Totoo na talaga.

Sunday, September 11, 2011

Pagabay Naman, Lord.

Kay inam ng iyong mga gawa,
Lahat ng ito pinaramdam at pinakita sa aking mga mata,
O anong galing ng iyong mga kamay,
Sa isip mo ito hinubog, pinaikot, at sami'y gumabay.

O mapagpalang kamay ng Diyos,
Salamat sa lahat ng mga pangyayari sa aking buhay,
Dahil dito lalo ko itong mapapagtagumpayan,
Alam kong mahal niyo ako at di pababayaan.

Sa mga pagkukulang ko na di ko mapunuan,
Patawad po at di ko magawang bawiin,
Ito ay dala ng mga kawalan ng pagtitiwala sainyo,
Madalas nagsasariling sikap at di maalalang kayo ang aking Diyos.

Ngayon ay bantayan po sana aking pagbyahe,
Sa aking kasiyahan sana ay mamagitan,
Sa lahat ng lakad, kami ay patnubayan,
Nawa ang habag at kamay ay aming maramdaman.

Alam kong kasama kita...
Wag mo ang iiwan...
Salamat po, Diyos kong mapagpala,
Di mo ako pagsasawaan at ikaw ay laging sasama.

Di Makatulog Sa Loob Ng Tent

Ang madaling araw na nawala ang antok sa hampas ng mga alon,
Ang madaling araw na nagising dahil ikaw ang biglang pumasok sa isip,
Ang madaling araw na naalog ang utak dahil sa kakatungo sayo,
Ang madaling araw na ayaw ng dalawin ng antok dahil sa lagnat ko

Pinagbigyan ako ang langit sa aking hiling,
Ngunit ako naman ay may gasgas sa tuhod na di pa gumagaling,
Ang hamog na bumalot sa aking kaisipan,
Ang syang babaunin sa buong magdamag na ikaw ang mapanaginipan.


Ang umagang ito ay hatid na mga maluwalhating galaw,
Sa harap ng karagatan nagsisilbing ilaw,
Ang mga galaw mo ay sadyang binibiliang,
Di ko nga lang maaalala ang lahat, ngunit mananatili ito sa ilang.

Aking panghahawakan ang iyong sinabi,
...malugod ko ng tatanggapin ang pagsintang hinabilin.

Mahal kita, naalala kita.

Inaalam ang Saya, Nasugbu

Sa bulubundukin ng talisay, kami ay napadaan,
Sa mga putik at malalaking bato kami ay nakiagos,
Hatid ay kaba na baka mali ang pinaroroonan,
Sa dulo pala ay isang di masaklawang bayan ng batangas.

Di ko makita ang ginhawa,
Di ko makita ang karagatan,
Nagisip, sabay sakay sa kotse na parang aalis,
Wag na dito, may iba pang mas matamis.

Ang byaheng ito ay may pupuntahan,
Di makakapayag na ganito lang to matapos,
Ang susunod na sulat ay patungkol sa napuntahan,
Natapos, nakarating sa nasugbu, antok at may pinagdadaanan.

Eto na to.. Tara na! Naririnig ko na ang hapas ng alon,
Sa dalampasigan natigil ang pagtingin,
May buwan na nagpapahiwatig,
Sa langit na kumakahawig.

Nasugbu na! Gising mga tulog kong kaibigan!

Patungo Sa Paroroonan

Makailang ulit ko na ing ginawa na nagbyahe sa buwang ito,
Pero ito ang byaheng hindi ko kilala,
Sa tuwing may pupuntahan ako, alam ko ang daan patungo,
Ngunit ngayon ay iba, hindi ko alam kung saan, ano ang dulo.

Ang byaheng ito ang malungkot na masaya,
Hindi ko alam ang nararamdaman pero  parang may kulang,
Sa hindi ko maintindihan, ako ay naguguluhan,
Hahanapin ang kasagutan, mamya sa paroroonan.

Sa ngayon, natutuwa akong mga kasama ko ay maligaya,
Di man nila batid ang nadarama, sasaya ang byaheng ito,
Sa katotohanan, hindi ko lang siguro alam ang pupuntahan,
Pero may pakiramdam akong masaya, makulay ang byaheng ito kaibigan.

Salamat sa mga walang sawang tagasubaybay,
Ang sulat na ito ay ginagawa habang nasa daan patungo sa tulay,

Friday, September 9, 2011

Ikaw at Ako, Magtatagpo?

Ang magulong buhay pinapaikot ng mga naglalakihang alon,
Sa damdamin tumatagos ang bawat kirot ng kahapon,
Pinapatamis lamang ng mga simpleng ngiti na galing sa pagalok,
O anong sarap na makasama mo sa bawat paginog.

Dala ng bawat pagpugay ang iyong halakhak,
Sa lahat ng laro alam kong may pumapatak,
Madami kang napasayang tao, saya ang dulot,
Mga nagtittiliang miron, sa gilid nakikiudlot.

Ako man kung kilala na kita noon baka sakaling manlalaro,
Magiging inspirasyon ko ang bola maging ang pagtakbo,
Ngunit di hinayaan siguro dahil di kaya ng buto ko,
Magiging dayuhan na lamang, o giliw sa iyong puso.

Mali man ang dahilan, aabanteng may ngiti,
Baliktad man ang iyong iniisip o hindi,
Natutuwa pa din sa mga pangasar mong salita,
Maging pangalan ko apulitmulit sa tuwina.

Dalawang tema ang aking pinapatamaan,
Isang ako at isang ikaw ang dahilan,
Di man maintindihan ang gustong ipahiwatig,
Sayo pa din sasaya natutulog kong pagibig.

Aduduyyy... Wala na naman shempre.

Wednesday, September 7, 2011

Tatlong Daang Tanggi

Ang paghahanap ng kasiyahan ay di basta matatangpuan,
Pagsalo sa kainan, pagtawa ng magkakaibigan, maging pagiinuman,
Sa ganito daw nila natatagpuan ang tunay na kaligayahan,
Isang pagtanggi, na alam kong may iabng katotohanan.

Nalaman ko na ang paginom ng sobra ng alak ay masama sa katawan,
Di ko na nga ito natikman, at walang balak na subukan,
Paghithit ng yosi ay sangkatutak na sakit ang makakamtam,
Usok pa nga lang, binuga ng baga ko, di ko kayang labanan.

Tanggi, tsnggi, hindi naman ito pag tanggi,
Isang pagiwas lang sa sakit na ayaw magkubli,
Wag na lang magalit pag hindi napagbigyan,
Di naman ako tututol kung kayo ay magdidiwang.

Ngunit isang paalaala ang aking bibitawan,
Katawan natin sa lupa ay iisa at wala shadong laban,
Sa mga sakit na nagkalat, di mo maiiwasan,
Nang dahil sa hithit at alak, lumalala ang karamdaman.

Ayokong maging kontra bida sa iyong kaligayahan,
Sa huli din naman tubig pa din ang iyong kailangan,
Sabi naman ang sobra ay di tama sa katawan,
Gamitin ng tama at hindi hanggang sukdulan.

Daang daang pagtanggi ang aking nasabi,
Di ako umiinom, nagyoyosi pahingi na lang ng iced tea,
Masaya naman akong umuuwi,
Sa bahay na lang at sa sulat iuuwi ang makulay na minimithi.

Tatlong daang tanggi...
Kahit limang libo pa...

Tuesday, September 6, 2011

Sayo Ang 30 Minutes Break Ko

Sandaling itutuon ko ang aking kaisipan sa isang mabuting kaibigan,
Di siya dayuhan sa sariling bayan,
Saliwa man sa aking kaisipan ang kanyang mga panaghoy,
Alam kong nakikinig siya at ako'y unti unting inaagoy.

Ang tatlumpong minutong kasama ka kaibigan,
Wagas ang nakikita na pagibig sa iyong kaibuturan,
Malalalim mong mata na sadyang nangungusap,
Alam kong eto ang kelangan mo, isang tunay na kausap.

Hindi man maibigay saiyo ang iyong kailangan,
Hahamakin ang ulan, makasulong lamang,
Ang oras na nilaan magiging paalala,
Na sana kaibigan, masaya ka kung anong meron ka.

Sa isang basing kape, isaw at tawa,
Sabay ng iyong magsayaw na isang nakakaligaya,
Mga tawa mo, panatilihin sana,
Maging ang iyong puso, maging maingat sana siya.

Alalahanin mo kaibigan, ikaw ay hindi dayuhan,
Isa kang kaibigan sa puso namin mahihimlay,
Dadalhin mo ang alaala ng kahapong pinasigla,
Kami din naman, nakatatak na sa isip ang iyong pigura.

Wag kang magalala, magiging maayos ang lahat,
Maging masaya lang sa iyong buhay na tinanggap ng tapat,
Eto lamang kami handang maging kasama,
Umulan umaraw, kahit sa gilid ng kalsada.

Salamat kaibigan sa 30 minutong pagsabay...

Sa uulitin, magbalitaan na lang.

Sayo Ang 30 Minutes Break Ko

Sandaling itutuon ko ang aking kaisipan sa isang mabuting kaibigan,

Monday, September 5, 2011

Isang Kwentong Pag-ibig

Hinangaan ko ang iyong tingin,
Sa mga mata mo ako ay nahumaling,
Bakit sadyang ang ikli lang ng pagkikita,
Di ko tuloy nasabi na masaya akong kasama ka.

Ikaw ang nagsabi na magiging madali lang ang lahat,
Kahit na itong nararamdaman at naibaon na at sa lupa ay nagkalat,
Lahat ng naramdaman ko ay pinaghalo na ng langit,
Hanep naman kasing pakiramdam ito, sayo ko pa biglang nadawit.

Sa huni ng mga ibon kahit di ko nakikita,
Pati sila nakikikanta sa bigla kong pagsaya,
Ang mga luha kong natamo noon,
Nabaliktad, dahil sobrang saya ang dulot ng iyong panahon.

Di ko man magawa ang kanta para sayo,
Alam kong aawit ang puso kahit ito ay tanungin mo.
Oo na, mahal na nga kita,
Sana naman naririnig mo ako sinta.

Bilib ako sayong natatanging dala,
Hindi mo pinapakawalan ang mabuting asal na sa akin ay iyong pinaalala,
Masayang pagiibigan ang aking susubaybayan,
Hindi mo ngayon, alam kong may panahon pagkakataong magmahalan.

Kwento ito na pagibig na gusto kong maramdaman,
Sa mga susunod na araw, sana yan ang maranasan,
Di ko naman pinangungunahan ang Maykapal,
Sa kanya pa din nagtitiwala at humihingi ng kulay.

---mamahalin ka.

Buhos Ng Ulan Sa Bulacan

Sa pagtatapos ng araw, inakala kong katapusan na ng pangarap,
Ngunit ako'y nagkamali, nagkamali sa inakalang pangarap,
Pumatak ang ulan, at unti unting binasa ang aking katawan,
Sa pagsakay sa motorsiklong aking hinangaan.

Lubak, putik, semento, patag, bato, damo, kahoy na tulay
Mga daraanan patungo sa ilog na may gandang taglay,
Yan din ang dinaanan palabas, patungo sa pagwawakas ng isang araw,
Sanlibong tuwa, nang biglang bumuhos ang ulan na may kantyaw.

Bat pa kasi ngayon pa umulan, kung kelan pauwi na at hinahabol ang hininga,
Pero sabihin na nating naging biyaya pa ang lakas at buhos nito,
Dahil sobraNg galak ang dinulot nito.
Buhos ng ulan humampas sa mukha ko.

Malayo din pala ang biniyahe namin,
Matagal din pala ang nilakbay ng mga sasakyang kumakaway,
Sa gitna ng kalsada, kami ay nagpakawala ng buhay,
Sa gitna ng kawalan, kami ay nakipagsapalaran.

Nabaliw ako sa mga narinig kong salita,
Buhos! Pagibig! Piling! Wahhh... Nakakatuwa!
Binalot ako ng lamig, pero di alintana,
Dahil sa tabi ng aking kaisipan, Tunay na masaya!


Inulit ulit ko pa ang mga salita,
Inisip kong tingin lang ang aking mapapala,
Pero hinugot ng lakas ang iyong pagpansin,
Sa aking bulong, narinig mo din pala ang ihip ng hangin.

Kay layo, di ako makatakas,
Sinadya ba para ako ay makita ng bulag?
Siguro knga ganun ka magisip,
Baliktad... Gaya ng iyong nabanggit.

O hangin, kay sarap mong kasama,
Nababatid mo ang sayang nadama,
Dahil sa pagikot ng buhay, libro ko ay tunay na makulay,
Dahil sayo... Tumibok ang puso at biglang nagkabuhay!

Yun na oh! Ulan! Paborito talaga kita.

Sunday, September 4, 2011

Ngayon ko lang nagawa ang blog ko para sa ulan na
Ngayon ko lang nagawa ang blog ko para sa ulan na natamo ko kahapon sa bulacan.

Bato sa Gilid ng Tubig

Ang bato sa daan...

Hindi na ako nagisip pa,
Pagbaba sa moktrosiklong aking sinakyan kasama si jerome,
Ako ay biglang natuwa at tinungo ang tubig,
Masayang nagtampisaw at di inalintana ang init sa bibig.

Simple lang ang unwaring ngiti,
Pero sobrang aliw ako sa mga hatid mong sandali,
Ilog na oinagarap na mapuntahan,
Di naman nagsisi n ikaw ay nasilayan.

Ang bato na unti unting sumisigaw na silay pansinin,
Hinihiram nijto zng aking damdamin,
Kahit sa init ng araw ako ay nagpailalim,
Upang mga bato sa gilid ay aking laruin.

O anong saya ng dulot nito,
Kahit nararamdaman ako hapdi sa katawan ko,
Sa init ng araw ako ay nabilad,
E ano naman, kesa maligo sa kasilyas na nakahubad.

Bato sa gilid, nakits ko ang liwanag,
Langit ay natuwa mga ngiti namin ay hinanap,
Dahil sa dala mong tanawin pusoy nagayak,
Daydayawon ka o Diyos, ang galing mo na may palakpak.

Sa gabi inabot ko ang ulan sa gilid ng daan,
Bumuhos ito ng di ko pa nasisilayan... May krugtong ito, sa susuond na sulat.

Sa Angat Bulacan... Sa Ilog na Pangarap

Ito ang sinasabi kong pangarap,
Ang magsilbing dahon sa langit para mag paagos,
Ito ang sinasabi kong ilog,
Ang ilog na puno ng pagasa't pangarap.

Dito ko iiwan ang aking sarili,
Dito ko iiwan ang aking kaisipan,
Pinipilit kong maging masaya sa tuktok ng aking puso,
Halata ko naman na matatapos na din ang ganitong yugto.

Ang mga batong nakaikot sa ilog ang siyang nagpaganda,
Sa mga hilig kong ganito parang ayoko ng umandar pa.

Maya babalikan kita.

Ang mga kasama ko:
Jerome Perez
Jamel Besid
Yanny Celestino
Jeymar Juan
Tin Soriano

Bawat minuto ay masaya,
Sa sigla ng mga agos ng tubig, hahango ang lungkot na nadarama,
Bibigkasin pangalan mo sa tuwina,
Hahanapin ang galaw ng iyong muka sa aking mga mata.

Sarap mong kasama,
Kahit pilit, alam kong natutuwa ka,
Gulatan na lamang... Mabighani ka na lang.
Ako ay isang dayuhan, sa lugar na iyan, na iyong sinasaklawan.

Ginagawa ko ito habang nakatingin sa kawalan,
Dito sa bulacan... Dito sa tabi ng ilog ko naramdaman,
Ang tihimik na ganti ng kalikasan,
Ang tahimik mong salita na di man lang nagkakulay sa kaluwagan.

Dito sa tabi ng ilog, dito sa silong ng mga pinagkabit kabit,
Wag kang lilingon sa kung saan, baka iba ang iyong maramdaman,
Basta kelangan sa tuwina, hampas ng sulog lang ang idamdam,
Tawid ng tubig na umuuhaw sa lalamunan.

Nakakatuwang pakiramdam..
Nakakatuwang pangarap.

Sana maulit ka ng madaming beses.

Friday, September 2, 2011

Thursday, September 1, 2011

Pagibig Na Walang Kapalit

May mga sandaling ako ay natutulala,
Sa mga minutong ito, ako ay nawawala,
Wala namang lungkot akong dalahin,
Siguro, hindi lang sanay na ngiti ko'y hindi pansinin.

Gulat ako sa mga pinaramdam mo,
Kala ko totoo lahat ng nasa isip ko,
Pero aking iniisip ay sinusukat lamang,
Sa iyong pinapakita at balat kayong tapik na kulang.

Kumpleto ako ng kaibigan, kumpleto ng aawitan,
Pero kulang ang aking nararamdaman,
Kumpleto ako ng sandalan, kumpleto ako ng hahawakan,
Pero kulang ang aking masasandigan.

Di mo na kelangan pang ipagkait,
Di ko naman ito sayo hihingin,
Ang masabi mo lang na ako ay iyong iniibig,
Magdidiwang ang puso, kahit pagibig ay ipagkait.

Isang sabi mo lang naman kung ako ay iyong naiintindhan,
Tumitig sa akin at ako'y iyong iwasan,
Paalam mo lang sa akin kung ano ang laman ng puso,
Dudurugin ko ang pader na pinaghiwalay ng dugo.

(disclaimer)
Lahat ng nasusulat ay kinathang isip lamang,
Ang puso ng may akda ay sadyang siksik ngunit may kulang,
Sa mga sulat na ito naipapalabas,
Mga hinangad, inasam, naramdaman, napanaginipan at hinahanap sa bukas.

Paghahanap Ng Dragon Ball


Kung laging makikinig sa sabi ng iba,
Di na kaw ang masusunod sa buhay mo sinta,
Kung ang iniisip lang naman ang ikasisiya,
Bakit kelangan may pahintulot ng iba.

Gawin lang ang bagay na ikatutuwa,
Sa huli, di mabibili ang saya at luha,
Gawin lang ang bagay na maligaya,
Sa huli, masaya ka na.. Masaya pa ang iba.

Kaligayan mo, wag mong ipagkatiwala sa iba!
Gamitin mo, sakyan mo, mas masaya,
Yan ang pagkakakilala ko sayo,
Yan ang hangad ko na maabot mo?