Total Pageviews

Monday, October 8, 2012

Kaytagal Kitang Hinanap...Sa wakas!

Kaytagal kitang hinanap... mula friendster,
pangalan mo aking tinatype.
pero di kita nakita hanggang sa eto nga,
sa facebook lang pala, pangalan mo bumulagta.

Akala ko nga nakalimutan mo na ako,
Bukod sa mga kuha mo sakin, ngiti mo ang siyang di kailan ma'y mapapako.
Lahat ata ng nakaraan koy nakalimutan ko, bukod sayo,
kaw ang pinaka makulit kong nakilala noong bata pa ako.

Kamusta ka na kaibigan, makulit ka pa din ba ngayon?
Kamusta ka na kaibigan, nangunguha ka pa din ba ng picture?
Kamusta ka na kaibigan, naaalala mo pa ba ako?
Kamusta ka na kaibigan, di kita makakalimutan.

Makwento ka pa din ngayon noh,
Di ka pa din nauubusan ng ikekwento.
Sige, ako naman ang magsasalita,
Buhay ko ay aking ipagkakatiwala.

Bahala ka kung gusto mong maniwala sa akin,
Pero yan ang totoo, kahit kwento ay iyong baliktarin,
Ako ay isang ermitanyo, naghihintay na may dumating,
Magaalaga, aalagaan at mamahalin.

Mukha ka ng koryeana ah,
Pang telenobela ang bida,
Ilang taon nga ba tayong di nagkita,
Hanep, di ako makapaniwala, kausap na kita.

(haba pa to)

Isa itong kabanata sa libro ko,
isang tao na biglaan ang pgdating sa pahina ko,
Masaya akong siya ay nakadaupang palad,
Dito sa mundo, oras lagi ay lumilipad.

Hindi ko aakalain na makakatagpo ko ang isang taong tulad niya,
Bukod tangi, di ko na nga maihambing sa iba,
Pero isang hiling lang naman ang aking bibitawan,
Maging masaya siya saan man siya magpunta.

Salamat kaibigan, ako ay iyong naalala,
kahit sa sandaling pinagbigyan ang mga munting pangarap na mawala,
sa langit, sa ulap, sa ulan... maging sa pagsilay sa iyong mga mata,
Ramdam ko ang iyong paghahanap, bitawan mo na yan! kumawala at maging masaya!

Para sa isang taong, kaytagal hinanap.. sa wakas! 

Ingat ka kaibigan.


Friday, October 5, 2012

MAAMONG MUKHA NG SINTA


MAAMONG MUKHA NG SINTA

Isang maamong mukha ang pinanggalingan,
Guhit sa iyong kamay, sa likod, ang naaalala ng karamihan,
Simulan mo sa husay, ang daming nakakaalam,
Pero bakit pagdating sa puso, blanko ang iyong alam.

Kahit ano pang sabihin mong ganti sa tadhanang may alam,
Madaming nagsabi, baka ayaw mo lang ng pakiramdam,
O baka naman ayaw mo ng may tinatawagan,
Sandali, parang alam ko ang sagot.. ayaw mo lang ata may nakikielam.

Samu’t saring pagkatao ang makikita sa iyo,
Minsan maamo, minsan naman ay lobo,
Sa tuwing pagmamasdan ka sa malayo,
Parang kilala mo ang sarili mo, pero di mo alam ang sinasabi ng tao sayo.

Bawat ngiti na pinapakita mo ay nagiiwan ng tuwa sa puso ng bawat isa,
Bawat kaway mo nagiiwan ng sigla sa kanilang pandama,
Bawat tingin mo ay nagiiwan ng kumpiyansa,
Bawat salita mo ay nagiiwan ng ngiti, kaway at tingin sa pagasa.


Excited Akong Makasama Ka Sa Profile Picture Ko


Excited Akong Makasama Ka Sa Profile Picture Ko

Alam mo ba na hinahanap kita?
Maski sa telepono ko naka –tag favorites ka.
Alam mo bang lagi kitang nakikita?
Lahat ng bagay sa paligid ko, ikaw ang bida.

Sa tuwing nalulungkot ako, babawi palagi itong aking puso.
Minsan na kitang binura sa aking sistema,
Pero ayan pa din.. pabalik balik ang kilig na dating mo.
Kinikilig… napapangiti… tinamaan nga ang pusong ko sa iyo.

Alam kong di puedeng pumagasa sayo,
Malalim ang dahilan mo, di ko maintindihan sa dulo,
Iniisip ko na lang, ayaw mo sa akin para ako ay mawala na lang,
Pero heto’t nangangarap, minsan sana makatabi ka ulit sa iisang unan.

Excited ako… sobra.
Sa iyong mukha, sana ay makita,
Ang iyong sinabi… gusto mo din ako…
Asan na ngayon ito?

Pag dumating iyon, hanep ang palakpak,
Excited akong Makita ang larawan natin sa profile picture ko,
Kahit dumugin ako ng mga taga hanga mo,
Ako naman ang pinili mo.

Excited ako!

...KAW PA RIN.


KAW PA RIN

Sa bawat araw na iba iba ang nakakasalamuha,
Kaw pa rin sinta.
Sa bawat bus at jeep na nasasakyan sa kalsada,
Kaw pa rin sinta.
Ano ba’t hindi na nawala ang pagsinta.

Sa tuwing umiiyak at nagiisa,
Kaw pa rin kasi sinta,
Sa tuwing tumatawa at puso ay kumakaba,
Kaw pa rin kasi sinta.
Ano ba’t hindi na nawala ang pagsinta.

May isang dasal na sana ay pakinggan ng Bathala,
Kaw pa rin sana… sinta.
May isang hiling sa langit na ayokong mabura,
Kaw pa rin sana … sinta.
Di na ata titigil to hanggat hindi nabubuo ang pagasa.

Isang taon… isang buwan… isang lingo… isang araw…
Isang oras… isang minute… isang Segundo…
Isang buhay… para lang sayo!
Kaw pa rin , sinta.

Tuesday, September 11, 2012

Pumapagasa...

Ang awit ng buhay parang coloring book lang,
May iba, black and white muna,
May iba dotted lines ang bida,
Pansinin mo, isa lang ang kulang.

Ang sagot ng nililigawan parang coloring book lang,
May iba black and white muna,
May iba dotted lines ang bida,
Pansinin mo, isa lang ang kulang.

Ang pagtawid sa kalsada parang coloring book lang,
May iba black and white muna,
May iba dotted lines ang bida,
Pansinin mo, isa lang ang kulang.

Lahat ng yan... isa lang ang kulang.
Pumapagasa pa... isa lang naman ang kulang.

Hanapin ang kulang, hindi coloring book ang kelangan.
Kundi, pagasa... pagasang maitawid ang kalsada.
Pagasang sagutin ng nililigawan.
Pagasang tumawid sa buhay na puno ng kulay.



Thursday, August 2, 2012

Special Buko Pie

Special Buko Pie

Kelan ko ba ulit narinig yung special buko pie,
E yung ikaw special sa puso ko,
E yung naging special ka sa buhay ko,
E yung special ka sa lahat ng special?

E kung pagibig ang paguusapan, 
Hahaba lang to ng kelangan ko na lang hayaan,
Utak ko'y punong puno ng isusulat,
Di na nga magtugma, lumalabas na lang ng kusa.

Ang pagibig ay walang pinipiling sitwasyon,
Sa oras na kelangan mo, kusang babangon,
Minsan sa oras na lumuluha ang mga mata,
Syang makikipahid na mga tubig na umaalma.

Yung bigat ng nararamdaman ay mapapalitan,
Ng sabik at galak sa puso ng pusong sinukuan,

Mamahalin ka din, wag kang mangamba...
Darating ang araw, puso mo'y di na magiisa.

Special buko pie, yan ang aking drama.




Tuesday, July 24, 2012

Nawawalang Koreana Sa Tindahan

Isang ale ang namataan, nagtatanong ata sa isang grupo ng kapulisan
Nawawala ata siya, di niya makita ang daan.
Pansin sa mga mata ang luhaang koreana,
Di pa din niya maintindihan ang sinasabi ng mga binata.

Pinipilit niyang sabihin ang mga detalye ng pagkawala,
Hinahagilap ang mga salita sa mumunting bibig na ibinubuka,
Turo dito, turo doon di na din siya maintindihan ng mga kasama,
Napakupkop sa mga mata ang mga kamay na tila nawalan na ng pagasa.

Batid sa mga kausap ang mithiing makatulong,
Ngunit di sila magkaintindihan, at sa turo lang nakatuon.
Panganib nga ba ang dulot ng mga turong yaon,
Nagtawag na ng ibang kasama para makadagdag ng solusyon.

Isang babae na kulot, dilaw na buhok at may maliliit na mata ang lumapit,
Nagsalita ng mahinahon at agad nakumbinsi,
Sa suot nitong blusang itim, hapit na pantalon agad sumidhi,
Isa syang koreana na sa salitang ingles ay nakakaintindi.

Si aleng koreana agad napangiti,
Nakita sa kanyang muka ang tuwang di mapakali,
Halos lahat ng nakapaligid sa kanya at mga saksi,
Lumuwag ang kalooban, muntik na kasi syang sumigaw ng matindi.

Lubos ang pagasa niyang makikita niya muli,
Dahil sa isang tulong ng aleng kulot na lumapit at di nagatubili,
Salamat naman at natapos ang istoryang sumindi,
Dito sa tindahan na halos mga koreana din ang mga bumibili.

Tuesday, July 3, 2012

Mike Villegas: manunulat.

Mike Villegas

Hindi kita kilala, ni hindi ko alam ang hitsura mo,
Pero bakit parang awit mo ay syang laman ng puso ko.
Tumatagos, umiikot, gumagalaw...
Pinagdugtong dugtong na kwento ng buhay na ilaw.
.
Sa sinulat mong Hanggang Ngayon na inawit ni Cathy Go,
Lupit. Mga limangpung ulit ko munang inulit sa tenga ko.
Sa mga oras na to, paulit ulit na sa utak ko,
Ang awit na yun, ayaw ng pakawalan ng puso.
.
Ngayon ko naintindihan, hindi lang ako ang nakakaramdam na walang kwenta,
Marami din jan na hinahanap ang kwela.
Dahil sa paghihintay sa iniibig,
Luha ko'y di na tumitigil, umaagos hanggang bisig.
.
Sa totoo lang, napakagaling niyo pong manunulat,
Inaartehan, pinag-gugugulan ng musika at letra. 
Darating ang araw, aawitin din ng artista ang aking kanta,
Karugtong ng Hanggang Ngayon mong nota.
.
Sa ngayon... Ikaw ay napapanahon,
Sa ngayon... Ako muna ang aatras.
Magmamahal muna ako... Kahit nasasaktan.
Para awitin ko ay matuloy.
.
Master Mike, salamat po talaga,
Inspirasyon po kita sa mga sulat kong walang musika.
Gagawin ko yan, pagdating nga panahon.
Pag may oras na ang pagibig ko na umahon.

Monday, July 2, 2012

Umaasang Babalikan, pagibig na sinimulan.

Ang hapding naranasan sa mga ilang araw ding pinagdaaanan,
Ngayon ko lang natikman, sobrang nasaktan.
Basag na basag, wasak na wasak... Kulang na lang durugin ng bubog,
Ang mga sugat na unti unting hinihilom ng kulog.
.
Saksi ang unan at si mongki sa mga pikit at kibit balikat,
Habang tinititigan mga larawang mong pinakupas habang dilat.
Naluluha pang sinasabi, ayos lang ako,
Pero sa loob ko... Ugali mo! Bat ako pa ginawan mo nito!
.
Di ko akalain ganito ang dadanasin,
Labing isang taon ng nakakaraan, di naman ganito ang ikinislap.
Isang pangarap lang naman dapat ang drama sana,
Bakit pa kasi pinagbigyan ang pusong nawala sa isla.
.
Ngayon iniisip kita, asan ang mahigpit mong akap,
Na parang ayaw na akong pakawalan sa ulap.
Sa mga binitiwang salita, di man pagasa ang laman,
Eto pa din at pinagbigyan ang akap na inasam.
.
Ganito ba ang magiging katapusan ng lahat,
Isang panaginip na ikaw ay lilisan.
Isang halik ang pinakawalan,
Bago pininid ang pintuan.
.
Umaasa akong magkikita tayo ulit,
Magkakatitigan sa ilalaim ng puno na ginuhit,
Sasabihin mong handa na ang lalatagan,
Ng pagibig na wagas na hinintay ng tadhana na ngayon ay naghihintay lang sa kanto ng tagpuan.

Paulit ulit...
Bawal umasa... Nakakaloka. 

Tuesday, May 1, 2012

Isang Makatwirang Kwento ng Pagibig

Isang Makatwirang Kwento ng Pagibig Sa tuwing nagkekwento ka ng dahilan ng iyong pagkalungkot, Dumarami ang alalahanin ng iyong pusong nakasimangot, Di mo napapansin lalong bumibigat ang ulap na binalot, Saksi ang pintuan ng kwarto na muntik ng makaramdam ng kurot. . Bumabalik ang aking alaala ng saklap kahapon, Sa isang sulok ng puso pilit gumagapang kung saan tumugon, Pabalik balik ang siste, akala mo di pinakain ng dugo, Hoy! Masakit na ang aking puso, lumayo ka na sa gitna nito. . Ikaw ang syang nasasaktan, ikaw ang nababansagan, Ikaw itong sumisigaw, asan itong katuparan, Bakit sa dami ng hapdi, pangungulila pa ang natagpuan, E kahit sumuksok ka sa unan, hahagilapin ka nyan. . Nagmamahal ako pareho mo, di lang halata, baka di mo tanto, Minsan kong nadama ang mga katwiran mo, Oo, oo... Masakit ang pangungulila na sinasabi ng puso mo, Di ko din alam ang tamang dahilan ko, pero ngayon sigurado ako... ... Nagwawala na nga ako. . Minsan... Madalas... Oras oras.... Naiisip ko ang taong minahal ko, Minsan... Madalas... Oras oras... Naiisip niya din ako. Ayokong maniwala, pero tao lang din naman ang nakatira sa mundong ito, Meron ba ditong pinanganak sa pluto para puso ay maging di katulad ko?! . Ang katwiran... Pagibig... Dahilan... Pagsama- samahin.. Bubuo ng isang malasakit sa duguang puso natin, Wag kang matakot... Kasama yan sa paghubog satin, May konting kirot lang, silang di marunong bumalik... Pipihit din ang langit. . Ngayon, tayo! Wag mong bitbitin ang puede naman pagulungin, Baka sa kakapasan mo, likod mo'y araruhin, Ingatan mo ang pagmamahal, bukas sisikat din... Walang kupas na ligaya, ngiti pa lang... Bigla kang mananalamin. . Katwiran mo, katwiran ko, pareho tayo. Gawing magaan ang bawat disensiyo ng iyong libro. (isinulat para sa isang kaibigang nagtatampo, nasasaktan pero lumalaban)

Wednesday, April 11, 2012

The Midnight Attack: Sabaw ng Kalabaw

The Midnight Attack: Sabaw ng Kalabaw

Sabaw ng Kalabaw


Maaga pa pala... 
Nawala na nga ang antok ko sa dami ng nakita. 
Pero mumunting kalsada lang pala ito, di ko akalain... 
Sa dulo pala may nagpipinta. 
Ito ang kwento ng kantong ito, sa una aakalain kong konkreto... 
Pero dahil sa kakatingin ko sa nakasulat dito... 
Ayun, muntik na akong mahulog sa butas na kalye na may sabaw ng kalabaw. 
Hinanap ko ang tao sa paligid, baka ako ay nakita sa aking pinagtawanan. 
Sa sarili ko lang naman... 
Muntik na akong maging kulay kalabaw kung sakaling ako ay nakilublob sa kanilang sabaw.
Isa sa mga nakita ko ito dito sa Taal, isang barangay na pinagluluklukan ng kulturang pinta, tinta at bangis. 
E. Del Rosario street, isang kanto na may kwentong sabaw ng kalabaw dito sa Taal.

Wednesday, April 4, 2012

Parang this time... Iiyak ako.

Kasalan.. . Kasalan. . Kasal. . Kaw na nga ang laging laman ng isip eh. . Ano kaya mararamdaman ko pag nalaman kong ikakasala ka na. . Baka makatotohanan na ang bigla kong pagkawala. . Ayoko.. . Sisimulan ko ng umiyak ngayon, para maubos na. . Iiyak. . Iyak. . Dahil iba ang pinili. . Dahil siya ang pinili. . Iyak. . Iyak.

Tuesday, March 20, 2012

Nagsasa Cove... First Morning.


Umagang kayganda... gumanda ang gising dahil sayo sinta. :)
Nagsasa Cove, Zambales

Nagsasa Cove


Pangarap na tinupad ng apat na gabi at tatlong araw. :)
Nagsasa cove, Zambales

Monday, March 19, 2012

Book of my life

Pagbabalik tanaw... Sa book of my life ko. Mashado ko atang nakumbinsi ang sarili ko para gawin ang mga bagay na naisulat ko noong bata pa ako sa book of my life ko. . 4th year high school. At kelangan gumawa ng book of my life. Gawain ng magagaling gumawa ng mga anik anik sa buhay. Hindi pa ako ganun kagaling kaya di pa shado makulay ang laman nun.  . Sino ang mga crushes.. Ano ang mga favorite songs... Sino ang pagaalayan ng libro... Ano ang mga happiest moment... Ano ang mga di makakalimutang memories... Mga retrato mula ng maliit pa ako... Mga retrato nung ako ay tumuntong sa grade school... Mga retrato ng mga kaibigan... Ng mga Kaibigan na di makakalimutan... Mga astig na quotes... Balik ulit sa CRUSHES.. At ang malupit ay ang CLASS PROPHESY.  . Nakakatuwang Pagbabalik para sa mga nasulat ko. . Halos lahat ng mga crushes ko dun, nakadaupang palad ko.   Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatapos ng pagaaral. Halos lahat ng mga sinabi kong gusto kong gawin, nangyari na. Pati ang trabahong sinulat ko, nakamit ko. . May namumukod tangi. . Isang di sinasadyang pagkakataon para sa isang tulad ko na hanggang tingin lang. . Akala ko, mababago na ang kapaligiran ko dahil heto ako ngayon, malayo sa nakasanayang lugar. Malayo ako sa mga taong naging kasama ko sa halos labing anim na taon. May ilan sa kanila, saglit ko lang nakasama dahil ito nga ang buhay, di mo malalaman ang kasunod. May mga tao akong nakilala dito, minahal, umikot ang aking buhay... Pero sa isang natatanging pagkakataon, bigla akong binalik sa nakaraan. . Iilan lamang ang mga taong tatatak sa aking libro. Iilan lang sila, at mashado pang mailap para magkaroon ng malaking parte sakin.  . Hindi ko inaasahan na kelangan kong balikan ang nakaraan, kelangan kong intindihin ang kanyang pinang galingan, kelangan kong maghintay sa di ko malamang petsa sa hinaharap. Akala ko, magiging derecho lang to... Sakto, nakahanap ako ng katapat ko. . Ikaw, alam kong kilala mo ang sarili mo. Bat di mo ipakilala para maintindihan ka. . Ikaw ang pangalawang tao na nabanggit ko sa aking libro. Ngayon mo sakin sabihin... Sino ang hinihintay mo? . Pagkabit kabitin man natin ang lahat ng pangyayari... Babalik din tayo sa kung sino ang laman ng bilao. :-) . Sa pagkakaalala ko, putol ang kwento mo sa libro ko.. Dugtungan ang laban dito.

Wednesday, January 25, 2012

Itim na Rosas

Ang kulay itim na rosas... Di ako pinanganak para bumasa ng utak, Di ko din naisin na maihantulad, Sa lahat ng nasabi mo sakin ano ang sukat, Yaong pagibig mo hirap akong maungkat. Sa lahat ng ating paguusap may kakaiba akong natanggap, Magiliw ka pala talagang katabi kausap, Aber nga, magbiruan tayo sa kanilang harap, Baka iba isipin nila, matagal na ba tayong naguusap? Nakakatuwa kang ngang talaga, kaibigan kong suplado, Naniniwala na akong hirap kang mabasa sa kanto, Sa mga kilos, pananalita di mahuhuli sa akto, Ang iyong isip lumilipad sa malayo may ibang balak na tungo. Lupit! Kung may bughaw, itim ang rosas na nakikita ko, Sa isang tingin di kagandahan pero may dating ito, Di kita mababasa sa ngayon, pero tyak ang iyong hangarin, Ehem... May lihim ka bang pagtingin na di mo maamin? Itim na rosas, yan ang kulay... Ng iyong mga mata kayganda sa tuwina, Hanapin mo sa iyong mga kuha may pagkakahawig ka, Di maganda sa mata pero nakakahalina. Itim na rosas... Gusto na kita. Totoo na talaga.

Sunday, January 15, 2012

Tatlong Libong Patak ng Luha

Minsan ko ng naisip kung bakit nga ba ito nangyari,
Masaya naman ako noon, 
Tumatawa naman saan man pumaroon,
Umiiyak pa din pala ako.

Natapos ang lahat sa hiwalayan,
Nagkanya kanya na ng tinahak na kanlungan,
Masakit pa pala sa kalooban,
Umiiyak pa din pala ako.

Nagagawa ko na ngang tawanan,
Kinakalibit na nga sa iba kung minsan,
Nasasanay na akong wala ka sa pistahan,
Umiiyak pa din pala ako.

Sa halos isang taon na nawalay sayo,
Di ko ginusto na masaktan tayo ng ganito,
Pero bakit ganito sakin ang turo,
Umiiyak pa din pala ako.

Wag sanang isipin na ako'y nalibang,
Sa lahat ng nangyari lahat ay nakinabang,
May tinuro sa akin na walang pagaalinlangan,
Umiiyak pa din pala ako.

Naubos na ang kwento ko't iyo,
Nanahimik ka na nga sa tabi ko,
Pinilit bumalik sa dati ang matang ito,
Umiiyak pa din pala ako.

Gusto ko ng matapos ang luha ko,
Ilang libo pa ba ang papahirin ko,
Ayoko na ng sakit na ganito,
Umiiyak pa din pala kasi ako.

May tatlibong luha ata akong pinahid,
Dahil lamang ito sa sakit na dulot ng kurtinang puminid,

Umiiyak pa din pala ako. 

Sunday, January 8, 2012

Magkukusa Ako

Ang kulay itim na rosas... Di ako pinanganak para bumasa ng utak, Di ko din naisin na maihantulad, Sa lahat ng nasabi mo sakin ano ang sukat, Yaong pagibig mo hirap akong maungkat. Sa lahat ng ating paguusap may kakaiba akong natanggap, Magiliw ka pala talagang katabi kausap, Aber nga, magbiruan tayo sa kanilang harap, Baka iba isipin nila, matagal na ba tayong naguusap? Nakakatuwa kang ngang talaga, kaibigan kong suplado, Naniniwala na akong hirap kang mabasa sa kanto, Sa mga kilos, pananalita di mahuhuli sa akto, Ang iyong isip lumilipad sa malayo may ibang balak na tungo. Lupit! Kung may bughaw, itim ang rosas na nakikita ko, Sa isang tingin di kagandahan pero may dating ito, Di kita mababasa sa ngayon, pero tyak ang iyong hangarin, Ehem... May lihim ka bang pagtingin na di mo maamin? Itim na rosas, yan ang kulay... Ng iyong mga mata kayganda sa tuwina, Hanapin mo sa iyong mga kuha may pagkakahawig ka, Di maganda sa mata pero nakakahalina. Itim na rosas... Gusto na kita. Totoo na talaga.

Monday, January 2, 2012

Minsan lang kita iibigin

Minsan lang kita iibigin

Ang buhay ko ay isang periswil,
May pababa, may paakyat...
Pero itoy umiikot at bumabanlik lang sa agos.
Paulit ulit.. 

Ngunit sa bawat pagikot nito,
Nakukulayan ang bawat sasakyan,
Dugo, langit, puno, bulaklak..
Sari sari...

Sa malupit na mga pangyayari,
Gumagalaw ang pisi ng di mawari,
Aakyatin ko ang mataas na bahagi,
Nagpupumilit...

Gugulatin ka ng mga sinasabi,
Masakit, di gumagaling ang sugat,
Pero walang hapding maramdaman,
Gula gulanit...

Isang beses lang, isang takbo lang,
Di na kelangan maulit ang nararamdaman,
Minsan lang, at minsan lang,
Umiibig...ng minsan lang.