Isang ale ang namataan, nagtatanong ata sa isang grupo ng kapulisan
Nawawala ata siya, di niya makita ang daan.
Pansin sa mga mata ang luhaang koreana,
Di pa din niya maintindihan ang sinasabi ng mga binata.
Pinipilit niyang sabihin ang mga detalye ng pagkawala,
Hinahagilap ang mga salita sa mumunting bibig na ibinubuka,
Turo dito, turo doon di na din siya maintindihan ng mga kasama,
Napakupkop sa mga mata ang mga kamay na tila nawalan na ng pagasa.
Batid sa mga kausap ang mithiing makatulong,
Ngunit di sila magkaintindihan, at sa turo lang nakatuon.
Panganib nga ba ang dulot ng mga turong yaon,
Nagtawag na ng ibang kasama para makadagdag ng solusyon.
Isang babae na kulot, dilaw na buhok at may maliliit na mata ang lumapit,
Nagsalita ng mahinahon at agad nakumbinsi,
Sa suot nitong blusang itim, hapit na pantalon agad sumidhi,
Isa syang koreana na sa salitang ingles ay nakakaintindi.
Si aleng koreana agad napangiti,
Nakita sa kanyang muka ang tuwang di mapakali,
Halos lahat ng nakapaligid sa kanya at mga saksi,
Lumuwag ang kalooban, muntik na kasi syang sumigaw ng matindi.
Lubos ang pagasa niyang makikita niya muli,
Dahil sa isang tulong ng aleng kulot na lumapit at di nagatubili,
Salamat naman at natapos ang istoryang sumindi,
Dito sa tindahan na halos mga koreana din ang mga bumibili.
No comments:
Post a Comment