Isang paraan upang kalooban ay gumaan, dito naibubuhos lahat ng nararamdaman maging mga nararanasan. Ang mga lugar na napuntahan, lahat ng kasiyahan dito lamang naisasalarawan. Ang bawat salita....lumalabas ng kusa. -pagibig na wagas sa pagsusulat-
Total Pageviews
Wednesday, January 25, 2012
Itim na Rosas
Ang kulay itim na rosas...
Di ako pinanganak para bumasa ng utak,
Di ko din naisin na maihantulad,
Sa lahat ng nasabi mo sakin ano ang sukat,
Yaong pagibig mo hirap akong maungkat.
Sa lahat ng ating paguusap may kakaiba akong natanggap,
Magiliw ka pala talagang katabi kausap,
Aber nga, magbiruan tayo sa kanilang harap,
Baka iba isipin nila, matagal na ba tayong naguusap?
Nakakatuwa kang ngang talaga, kaibigan kong suplado,
Naniniwala na akong hirap kang mabasa sa kanto,
Sa mga kilos, pananalita di mahuhuli sa akto,
Ang iyong isip lumilipad sa malayo may ibang balak na tungo.
Lupit! Kung may bughaw, itim ang rosas na nakikita ko,
Sa isang tingin di kagandahan pero may dating ito,
Di kita mababasa sa ngayon, pero tyak ang iyong hangarin,
Ehem... May lihim ka bang pagtingin na di mo maamin?
Itim na rosas, yan ang kulay...
Ng iyong mga mata kayganda sa tuwina,
Hanapin mo sa iyong mga kuha may pagkakahawig ka,
Di maganda sa mata pero nakakahalina.
Itim na rosas... Gusto na kita. Totoo na talaga.
Labels: photos
broken hearted,
J,
kanto,
mahal kita,
Rosas,
sukat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment