Magkahalong kaba at saya...
Sa tuwing nakikita ka,
Bat ba ako parang balisa,
E sa ipad ko lang naman nakikita.
Nagiging malupit ako sa aking puso,
Gusto ko na lamang idikta na wag ikaw ang gawing irog,
Ngunit kilala ko naman ang aking loob,
May oras lang to, malilimutan ka din nito.
Nakakalungkot lang isipin,
Hindi kasi masusuklian ang nararamdaman,
Gayunpaman hindi naman ito inaasahan,
Ni hindi mo nga ito malalaman.
Ang pagsinta... Naghihintay lamang,
Ang iyong kamay... Pinapangarap na tunay,
Ang iyong mata... Tiyak na ang aking pagkatunaw,
Masaya na akong nangangarap, naghihintay at laging kumakaway.
Isang kathang isip lamang ang mga naisulat,
Kung totohanin, akoy mapapatalon sa gayak,
Ngunit sadyang isa lamang itong prutas ng kaisipan,
Na sa huli, ang pagsinta at pagibig ang titiklop sa lahat.
Wari'y nagtataka sa mga titik na naisulat,
Wag kang maguluhan, isa lang ang patutunguhan,
Nagwawalang puso... Masaya ka na naman!
No comments:
Post a Comment