Total Pageviews

Wednesday, December 28, 2011

Paguwi ko sa bikol

Ang kasikatan ng araw ang syang nagpabuhay,
Sa mga umiidlip kong ugat na pula ang kulay,
Naaarawan ako, yan ang reklamo ko,
Hmm... Minsan di ko napapansin ang bagay na ganito.

Sa bilis ng oras, prang nagopisina lang ako,
Buong araw na nakaupo sa bus papunta sa dulo,
Bawat makita ng mata ko'y nilalasap,
Ngayon ko lang to nakita, unang pagsinta ang tawag.

Nalulungkot akong iba ang gusto kong mangyari,
Kasama sana kita pero iba ang nawari,
Sensya na, plano ko to, iba ang sayo,
Malamang kahit isa dun di ako tablado.

Kelangan kong maging masaya, yan ang pangako,
Sa aking sarili, yan ay ipinako,
Mabuti na din tong ako'y makalimot,
Sa sandaling, nasaktan ako, umiyak at nalungkot.

Dati nama'y ganito lang ang aking tungo,
Magisang kumain, magbasa at matulog,
Bat ba ako nasanay na may kasama sa lahat ng to,
E sa huli din naman, magkakabasahan din ng istilo.

Ako ay masaya, unwaring isip ko,
Ako ay malungkot, yan ang nasa puso ko,
Halaga ko ay bumagsak dahil sa mga ilang tao,
Saglit lang, babalik ako... Hintayin niyo ako.

Nasaktan man ako, aminado ako,
Hanggang dulo ng puso ko, inabot ng lungkot nato,
Pero hindi ko hahayaang ganito na lang to matapos,
May balik yan...tandaan mo to.

Ang mga nasabi ay laman ng damdamin,
Di man makakatugma, isa lang ang gustong ipahiwatig,
Ako ay bumiyahe para hanapin ang lakas,
Na dati sa akin, ngayon ay inagaw ng paspas.

Mahaba pa to... Dudugtungan ko pa ito.

Sa ngayon, matutulog muna ako para sa kasal ng dadi ko,
Kelangan makita ko, para mahawa ako sa saya ng dulot nito,
Ilove you, palitan ng salita,
Buhay nga naman... Nadadaan sa kasiyahan.

Umaga na pala, nasa bahay ako nina maya.
Sarap pagpapahinga.

Wednesday, December 14, 2011

Sinag

Sinag ng buwan ay aking natatanaw,
Sa gitna ng mga naglalakihang gusali akoy nalulusaw,
Malungkot daw ang buwan dahil onte lang ang pumapansin,
Heto ako, tumitingin, sumisilip, humihikbi.

Ngayon ko lang napansin, may buwan pa nga pala. 

Magsisilbing paalala, laging tumingala..

Sunday, December 11, 2011

Nagwawalang Puso

Magkahalong kaba at saya...
Sa tuwing nakikita ka,
Bat ba ako parang balisa,
E sa ipad ko lang naman nakikita.

Nagiging malupit ako sa aking puso,
Gusto ko na lamang idikta na wag ikaw ang gawing irog,
Ngunit kilala ko naman ang aking loob,
May oras lang to, malilimutan ka din nito.

Nakakalungkot lang isipin,
Hindi kasi masusuklian ang nararamdaman,
Gayunpaman hindi naman ito inaasahan,
Ni hindi mo nga ito malalaman.

Ang pagsinta... Naghihintay lamang,
Ang iyong kamay... Pinapangarap na tunay,
Ang iyong mata... Tiyak na ang aking pagkatunaw,
Masaya na akong nangangarap, naghihintay at laging kumakaway.

Isang kathang isip lamang ang mga naisulat,
Kung totohanin, akoy mapapatalon sa gayak,
Ngunit sadyang isa lamang itong prutas ng kaisipan,
Na sa huli, ang pagsinta at pagibig ang titiklop sa lahat.

Wari'y nagtataka sa mga titik na naisulat,
Wag kang maguluhan, isa lang ang patutunguhan,

Nagwawalang puso... Masaya ka na naman!

Friday, December 9, 2011

Paraiso Sa Piling Mo

Itong sulat ay ginagawa ko mga talaong araw na sa notebook ko,
Di ko matapos... Nauubos ang inspirasyon ko.

Babalik ako sa pagsusulat.

Thursday, December 8, 2011

Ito Ay Kay Noemi

Halatang mugto ang iyong mga mata,
Hindi na halos kita makilala sa iyong nakasimangot na mukha,
Pakiramdam ko may nangyari kagabi habang kumukulog,
Ramdam mo ba na hinaplos ka ng luha sa iyong pagtulog?

Hindi ko alam kung pano kita mapapaahon,
Jan sa iyong dinarama, ang sagot ko lamang ay pang ayon,
Gamitin mo ang buhay para maging malaya,
Sa mundong ibababaw, saya ay isang pagpapasya.

Sa lahat ng araw ng darating sa iyong buhay,
Sikaping mong maging malaya sa anumang kulay,
Hindi man maging maganda ang bungad nito sa iyo,
Tyak naman akong may pagasa na naghihintay sa iyong pinto.

Wag ka na malungkot, kaibigan kikay,
Ang pagdadamayan ang sadyang naghihintay,
Walang makakabawi sayo ng iyong kasiyahan,
Gawing maganda ang araw, magpasya na at makipag kantiyawan.

Noemi... Nagsisimula ka pa lang...