Total Pageviews

Friday, May 27, 2011

Coffee... na lang dear.

Dala ng sama ng loob, maka upo nga sa gitna ng mga naglalakarang pera at shopping eyes. Di bat sila din ang maysabi na kapos ang bulsa pero grabe.. Ang daming tao sa malaking ref na to. Siksikan pa kamo. Dami pang bitbit na supot! O well, sila ba itong nakakatayo pa ng alas nuebe o siyang kumakayod kahit hatinggabi.
.
Jan ako bilib sa boss kong pinoy na tsino. Lahat kelangan may bilang. Numero ang usapan. Gusto ko maisapuso yung mga ganung kaisipan baka sakali magamit ko sa mga susunod na araw. Di bale ng mairapan, basta kausapin lang ako kahit isang beses sa isang araw. 
.
Di naman ako galit. Di din ako nagtatampo. Sakto lang naman yun. Nagkataon lang talaga. Mahal pa din kita, my biggest continent. Sayo ang puso ko. 
.
Numero. Hay. Numero. Nagumpisa na akong magbilang ng numero. Yaan mo che, titibok din ang puso mo para sa numero. 
.
Salamat coffee bean, sadigan kita ngayon.

No comments: