Isang paraan upang kalooban ay gumaan, dito naibubuhos lahat ng nararamdaman maging mga nararanasan. Ang mga lugar na napuntahan, lahat ng kasiyahan dito lamang naisasalarawan. Ang bawat salita....lumalabas ng kusa. -pagibig na wagas sa pagsusulat-
Total Pageviews
Sunday, May 29, 2011
Damdamin noo'y nasaktan,
Nadurog at kinamkam.
Ngayon may liwanag na
Sa dulo pala ay saya.
Hihiramin ang ngiti sa langit,
Upang luha ay mapawi.
Ang saya Lord! Ang saya!
Nadurog at kinamkam.
Ngayon may liwanag na
Sa dulo pala ay saya.
Hihiramin ang ngiti sa langit,
Upang luha ay mapawi.
Ang saya Lord! Ang saya!
Nasa maykapal ang aking dalangin,
Sinasagot niya kahit bitin,
May alam siyang panahon kailan mamarapatin,
Ang dasal ko tiyak niyang sasagutin.
Sinasagot niya kahit bitin,
May alam siyang panahon kailan mamarapatin,
Ang dasal ko tiyak niyang sasagutin.
Damdaming pinipigil, heto't sumasaliw,
Ayaw man sabihib, lumalabas ng taimtim,
Mahuli man ang mata ko ang puso,
Isusuksok ito kahit kapiraso,
Wag lang mabuko ang pusong nagmamahal sayo.
Ayaw man sabihib, lumalabas ng taimtim,
Mahuli man ang mata ko ang puso,
Isusuksok ito kahit kapiraso,
Wag lang mabuko ang pusong nagmamahal sayo.
Wala ako sa hulog gumawa. Wala ako sa wisyo para magsulat. Sige, kayo na ang masaya!
Nagpakita ka pa kasi.
Di ko naisip na bigla akong hahanapin ng nagwawalang puso na wari koy kinulong ko sa espasyo ng isip ko. Naubos ang baong saya ng bigla kang magpakita. Bakit masidhi pa din ang nadarama? Gayung wala ng saysay ang pupuntahang istorya? Lumayo ka sa isip ko, di ako natuto magimbento ng kulay sa puso ko pero ngayon, duguan na naman, pula ako, mundo ko.
Friday, May 27, 2011
Pinili mo iba.
Huni man ng ibon ay di marinig, dahil pangalan mo lang ang tanging nasasambit.
Kikilalanin ka ng puso ko muli kung kaw lang ay magpapakilala, alam mo naman na may puwang ka sa loob nito.
Ang gulong ng puso gumagalaw patungo sa kung saan, alam ko din na di ako pupunta sa lugar mo ngunit sisikapin ko na maging mabuti sa gitna ng unos na ito. Badtrip. Pinili mo ang iba.

Coffee... na lang dear.
Dala ng sama ng loob, maka upo nga sa gitna ng mga naglalakarang pera at shopping eyes. Di bat sila din ang maysabi na kapos ang bulsa pero grabe.. Ang daming tao sa malaking ref na to. Siksikan pa kamo. Dami pang bitbit na supot! O well, sila ba itong nakakatayo pa ng alas nuebe o siyang kumakayod kahit hatinggabi.
.
Jan ako bilib sa boss kong pinoy na tsino. Lahat kelangan may bilang. Numero ang usapan. Gusto ko maisapuso yung mga ganung kaisipan baka sakali magamit ko sa mga susunod na araw. Di bale ng mairapan, basta kausapin lang ako kahit isang beses sa isang araw.
.
Di naman ako galit. Di din ako nagtatampo. Sakto lang naman yun. Nagkataon lang talaga. Mahal pa din kita, my biggest continent. Sayo ang puso ko.
.
Numero. Hay. Numero. Nagumpisa na akong magbilang ng numero. Yaan mo che, titibok din ang puso mo para sa numero.
.
Salamat coffee bean, sadigan kita ngayon.

Subscribe to:
Comments (Atom)