Pagbabalik tanaw... Sa book of my life ko. Mashado ko atang nakumbinsi ang sarili ko para gawin ang mga bagay na naisulat ko noong bata pa ako sa book of my life ko. . 4th year high school. At kelangan gumawa ng book of my life. Gawain ng magagaling gumawa ng mga anik anik sa buhay. Hindi pa ako ganun kagaling kaya di pa shado makulay ang laman nun. . Sino ang mga crushes.. Ano ang mga favorite songs... Sino ang pagaalayan ng libro... Ano ang mga happiest moment... Ano ang mga di makakalimutang memories... Mga retrato mula ng maliit pa ako... Mga retrato nung ako ay tumuntong sa grade school... Mga retrato ng mga kaibigan... Ng mga Kaibigan na di makakalimutan... Mga astig na quotes... Balik ulit sa CRUSHES.. At ang malupit ay ang CLASS PROPHESY. . Nakakatuwang Pagbabalik para sa mga nasulat ko. . Halos lahat ng mga crushes ko dun, nakadaupang palad ko. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatapos ng pagaaral. Halos lahat ng mga sinabi kong gusto kong gawin, nangyari na. Pati ang trabahong sinulat ko, nakamit ko. . May namumukod tangi. . Isang di sinasadyang pagkakataon para sa isang tulad ko na hanggang tingin lang. . Akala ko, mababago na ang kapaligiran ko dahil heto ako ngayon, malayo sa nakasanayang lugar. Malayo ako sa mga taong naging kasama ko sa halos labing anim na taon. May ilan sa kanila, saglit ko lang nakasama dahil ito nga ang buhay, di mo malalaman ang kasunod. May mga tao akong nakilala dito, minahal, umikot ang aking buhay... Pero sa isang natatanging pagkakataon, bigla akong binalik sa nakaraan. . Iilan lamang ang mga taong tatatak sa aking libro. Iilan lang sila, at mashado pang mailap para magkaroon ng malaking parte sakin. . Hindi ko inaasahan na kelangan kong balikan ang nakaraan, kelangan kong intindihin ang kanyang pinang galingan, kelangan kong maghintay sa di ko malamang petsa sa hinaharap. Akala ko, magiging derecho lang to... Sakto, nakahanap ako ng katapat ko. . Ikaw, alam kong kilala mo ang sarili mo. Bat di mo ipakilala para maintindihan ka. . Ikaw ang pangalawang tao na nabanggit ko sa aking libro. Ngayon mo sakin sabihin... Sino ang hinihintay mo? . Pagkabit kabitin man natin ang lahat ng pangyayari... Babalik din tayo sa kung sino ang laman ng bilao. :-) . Sa pagkakaalala ko, putol ang kwento mo sa libro ko.. Dugtungan ang laban dito.